Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang malaking desisyon nila ng asawa niyang si Gab Santos na lumipat ng tirahan kasama ang kanilang anak na mas kilala bilang Sunsun.
Sa isang post, inilahad ni Carlo ang dahilan ng kanilang paglipat at kung gaano ito naging makabuluhan para sa kanila bilang isang pamilya.
“Sobrang worth it ng paglipat. Mas maraming outdoor activities kapag maganda ang neighborhood. Medyo mahal, pero kung para talaga sa happiness at development mo, go lang,” kwento ni Carlo.
Dagdag pa niya, ang kanilang naging desisyon ay higit sa lahat para sa ikabubuti at paglaki ng kanilang anak, lalo na sa pagbibigay ng mas ligtas at mas aktibong kapaligiran para kay Sunsun.
Dahil dito, umani ng papuri at paghanga mula sa kanilang mga taga suporta ang nasabing hakbang, lalo na mula sa mga kapwa magulang na naka-relate sa kanilang sitwasyon.
JD Pascual: “Iba talaga kapag para sa anak.”
Arkin Abe-Abe: “Cute naman ni Sunsun. Hindi siya tulad ng tipikal na kabataan ngayon na panay computer at phone. Siya yung mahilig din sa outdoor activities.”
Virginia Antonio: “Thanks be to God for my answered prayer for all of you. God bless you!”
Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…
Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…
Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…
What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
This website uses cookies.