Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog upang pagandahin ang ad jingle ng UnionDigital Bank.

Alamin ang mga naging pasubok at proseso sa pagpapaganda ng naturang ad jingle at kung ano ang naitulong ni ‘Kuya Oyet’ dito. 

TEYODI

Sa kanyang bagong vlog, isang nakakatuwang kwento ang muling ibinahagi ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa kanyang mga manonood.

Bilang brand ambassador ng UnionDigital Bank, naatasan si Cong na ipalaganap ang mensahe ng kanilang advertisement jingle.

“Mayroong kanta ‘yung UnionDigital [Bank] na sobrang ganda ng message, kaso hindi ko siya genre,” kwento ni Cong.

Ani Cong, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang kanta na maipakilala sa tao dahil sa taglay na mensahe nito pagdating sa pagiging wais sa pera.

Dagdag pa niya, sinubukan rin niya, kasama ang ilang Team Payaman members na mag-busking upang maiparinig ang awitin sa mas maraming tao.

Dahil bigo si Cong sa kanyang mga naging plano, isang ideya ang kanyang naisip matapos nilang makausap ang isa sa mga nakasalamuha nila noong ginagawa nila ang ISTASYON vlog.

Kuya Oyet: The Key

Nang masira ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang bentilador nila Cong, naisipan niyang tawagan si Kuya Oyet Arnaiz–isang tricycle driver at electrician na kanilang nakasalamuha sa nasabing vlog–upang ipagawa ang nasirang kagamitan.

Sa gitna ng kwentuhan, nabanggit ni Kuya Oyet na isa rin sa kanyang hilig ang pagkanta—dahilan upang ayain siya ni Cong na gumawa ng sariling bersyon ng isang ad jingle.

Taas noong binigay ni Kuya Oyet ang kanyang matamis na ‘oo’ kay Cong, kung kaya’t napagtagumpayan ng mga ito ang pagbuo ng kanta.

Hiphop ang napiling atake nina Cong at Kuya Oyet sa piyesang ibinigay ng UnionDigital Bank. Isang kwelang mini music video ang hatid din nila kasama naman ang ilang TP members.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naaliw sa nakakatuwang content na hatid nina Cong at Kuya Oyet para sa UnionDigital Bank.

@tumaliparjaya.2512: “Napadownload ako tuloy ng UnionDigital Bank! Dabest ka, Cong TV!” 

@magicbriones6840: “Si kuya Oyet ang tunay na litrato ng pilipino, lahat ng trabaho papasukin kahit malayo sa profession, Basta kumita ng marangal. Salute to you kuya Oyet at my idol Cong TV!”

@sjsiwb: “From pag iba ng genre ng kanta, to electric fan, pag sisi kay burong, to kuya oyet and his experience, to serving us wholesome music. Who would have thought sa ganitong flow ng vlog, kaya I really like watching your vlogs because no one would anticipate the end of every video, everything is unexpected.  THE BEST VLOGGER TALAGA CONG, the one and only.”

@Ammika_suria: “Kuya Oyet represents Pilipino, matututunan lahat para kumita ng pera para sa pamilya, ang lupet ng connection sa kanta hahahah.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

6 days ago

This website uses cookies.