Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang kanilang latest life update sa Congpound.

Sa isang Facebook post, makikita ang pagiging hands-on ni Cong bilang ama at ang kasiyahan ni Kidlat sa mga simpleng aktibidad, na agad umani ng positibong reaksyon mula sa netizens.

Father-and-Son Duo

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kanyang simpleng bonding moment kasama ang panganay na si Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat. 

Sa simula ng vlog, makikita ang biyahe ng mag-ama papunta sa isang village kung saan karaniwang nagkakaroon ng swimming lesson ang anak. 

Sa pagkakataong iyon, plano lang nilang mag-swimming, ngunit bago pa man makapasok, ipinaalam ng guwardiya na sarado ang village tuwing Lunes. Sa halip na madismaya, nagmungkahi si Kidlat na bumili na lamang sila ng pandesal. 

Bago umuwi, sinunod ni Cong ang hiling ng anak at binilhan ng paborito niyang pandesal, na nagdulot ng ngiti sa mukha ni Kidlat. 

Pagbalik sa Congpound, napagdesisyunan ng mag-ama na maligo na lamang sa labas gamit ang water hose, na nauwi sa isang masayang bonding moment para sa dalawa. 

Bagama’t hindi natuloy ang kanilang orihinal na plano, naging sentro ng vlog ang kalidad ng oras na magkasama nilang ginugol.

Netizens’ Comments

Samantala, narito ang mga komento ng netizens na humanga sa simpleng bonding nina Cong at Kidlat, na nagpakita ng maunawain na ugali ng bata at dedikasyon ni Cong na gawing makabuluhan ang kanilang araw.

Lex Mentoya-Bebis: “Ito ‘yung content na very eye and heart-catching. Ang nostalgic lang ng feeling bilang parents… maka-bonding mo ng simple ang anak mo. Good job, kuya Kidlat. Very bright and understanding. No tantrums kahit sarado at hindi makakapag-swimming … instead bili na lang pandesal. Shoulder tap, Cong, being on your best and still making the day memorable for Kidlat. Naligo na lang sa labas ng bahay.”

Lhyn Suleik Castro: “Ang saya ninyo panoorin. Nakakaiyak din kasi naalala ko yung mga bata pa kami na masayang maligo sa ulan kasama mga kapatid ko. Thank you so much po, Cong TV. Kayo po lagi nagpapatawa at nagbibigay inspirasyon para maging positive ang perspective namin sa buhay. Power!”

Ana Zhara Muit-Lomboy: “Ang cute ng content. Nakaka-touch. Ang cute ng bonding pero matatandaan yan ni Kidlat. Nakakabilib din attitude ni Kidlat, eh. Napaka-understanding.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

3 days ago

This website uses cookies.