Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob ng kanilang bagong tahanan.
Tunghayan ang mga tagpo nang ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang New Year’s Eve celebration.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien Iligan-Velasquez sa kanyang mga manonood ang mga kaganapan nang ipagdiwang ng kanilang pamilya ang bagong taon.
Bago pa man ang pagkakaroon ng salu-salo, agad na tinulungan ni Vien ang ina sa paghahatid ng mga order na Leche Flan mula sa kanilang munting negosyo.
“Today, magdedeliver tayo ng first ever delivery ng leche flan, kasi sinuportahan tayo ng aking mga kaibigan,” kwento ni Vien.
Maya maya pa ay namili na ng mga torotot at paputok gaya ng fountain sina Junnie at Vien bilang parte ng kanilang selebrasyon.
Bago matapos ang vlog, ipinaliwanag ng mag-asawang Vien at Junnie ang dahilan kung bakit nila naisipang lumipat sa mas malaking bahay bago sumapit ang taong 2026.
“Maliit na ‘yung [lumang] bahay para sa amin tsaka mahal din siya,” ani Vien.
“Nakahanap kami ng mas murang bahay, pero mas malaki,” paliwanag pa ni Junnie.
Kwento ng dalawa, isa rin ang patuloy ng paglaki ng kanilang mga anak sa kanilang iniisip na dahilan upang kumuha ng bagong titirahang bahay.
Watch the full vlog below:
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
This website uses cookies.