Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon niya ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at kapwa content creators sa pangmalakasang ‘Don’t Flinch’ Challenge.
Tunghayan kung paano nga ba niya nabiktima ang mga ito, kabilang na ang Team Payaman members na sina Viy Cortez-Velasquez at Tita Krissy Achino.
Kwento ni Zeinab, nakuha niya ang inspirasyon sa content matapos mapanood ang idolong K-Pop girl group na ‘BLACKPINK’ sa ‘Flinch’ segment ng The Late Late Show with James Corden.
Naisipan niyang isalang ang mga bisita na dumalo sa kaniyang inihandang intimate 27th birthday party.
Ang hamon sa challenge na ito ay ang pananatiling kalmado o walang anumang reaksyon sa kabila ng nakakagulat na pagsabog ng prutas sa harap ng salamin na kinatatayuan nila.
Unang sinubukan ng pamilya Harake-Parks ang challenge kung saan hindi sila nagtagumpay dahil mismong si Zeinab ay napatili.
Ito naman ay sinundan ng kanyang mga kaibigan gaya nina Jelai Andres, Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, Sachzna Laparan, Awra Briguela, at iba pa na siyang mga hindi rin nagtagumpay.
Noong oras na ni Viy sumalang sa challenge, inumpisahan ni Zeinab sa pamamagitan ng pagtatanong kung magugulatin ba si Viy, na siyang sinagot naman ni Viy na “Depende kung sinong mang-gugulat”.
Hindi rin maitago ni Viy ang kaba sa pag-aakalang mababasa siya sa hamon ni Zeinab. At noong sumabog na ang prutas, hindi rin napigilan ni Viy mapasigaw sa gulat.
“Ang bilis non! Merry Christmas sa inyong lahat. Salamat sa pasigaw kong ganoon,” ani Viviys sa mga manonood. “Iba rin ‘yung amats mo!” hirit pa ni Viy kay Zeinab.
Ilang sandali lamang ay si Tita Krissy naman ang sumalang. Noong tinanong ni Zeinab ang rating mula 1-10 gaano siya kagulatin, sasagot pa lang si Tita Krissy ay sumabog na ang prutas na siyang kinagulat nga nito.
“Ay ano ba ‘yon! Hindi niyo naman sinabing start na!” pahayag ni Tita Krissy.
Alamin kung ano ang naging reaksyon ng iba pang biktima at kung may nagwagi nga ba sa challenge ni Zeinab.
Watch the full vlog here:
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…
Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
This website uses cookies.