Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo Athena at Kidlat.

Si Tokyo Athena ay bumida bilang Princess Aurora para sa kanyang ika-siyam na buwan, habang si Kuya Kidlat naman ay agaw pansin bilang isang cute na asul na ibon na bestfriend ni Princess Aurora.

Agad namang umani ng kilig at papuri mula sa mga online titos at titas ang adorable na photoshoot ng mga anak nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV.

Princess Aurora and Blue Bird

Sa isang bagong social media post, ibinahagi ni mommy Viy Cortez-Velasquez ang espesyal na selebrasyon para sa ika-siyam na buwang selebrasyon ng kanyang anak na si Tokyo Athena.

Makikita sa mga larawan si Baby Tokyo suot ang Princess Aurora costume kasama ang kanyang Kuya Kidlat na suot ang cute na asul na ibon—ang kaibigan ni Princess Aurora.

Happy 9th month mahal ko 💕” ani Mommy Viy sa kanyang post. 

Sa pagpapatuloy ng kanilang mga monthly milestone shoot, muling nakatuwang ng Team Cortez-Velasquez ang The Baby Village Studio sa pagbuo ng Princess Aurora–inspired theme shoot.

Agaw-pansin si Baby Tokyo sa kanyang pink Aurora costume, mula sa Posh & Pearls. Mas naging espesyal pa ang selebrasyon sa Princess-themed cake na swak sa konsepto ng kanilang monthly milestone photoshoot na disenyo ng Doughable.

Netizens’ Reactions

Hindi nagpahuli ang netizens sa pagpaparating ng kanilang pagbati kina Kidlat at Tokyo.

Vhe RoSed: “Akala ko wala si Kuya Kidlat. Haay, Kidlat, ikaw ang nagbibigay saya sa mga oras na kami ay stuck sa traffic sa EDSA.”

Taurus Cath Enciso: “Ang cute naman ni Tokyo!!! Mini-me mo siya, Madam!”

Klarissa M. V-Pinlac: “Ako na laging looking forward sa milestone ni Tokyo with her Kuya Kidlat. So cute itong dalawa, batuting!”

Leerizza Fernandez Digap: “Monthly din inaabangan kung ano ang costume ni Kuya. So cutie patotie si Tokyo!”

Joan May Catli Abriam: “Kidlat, ikaw ang nagpapasaya sa akin bawat panonood ko ng video mo. Ang cute-cute mo, pati si Tokyo, napakaganda!”

MA RY: “Akala ko si Kidlat ang mag-Spider-Man, hehehe.”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

15 hours ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

1 day ago

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

6 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 week ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

This website uses cookies.