Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako na paglutuan ang magkapatid na Cong TV at Junnie Boy.

Tunghayan ang kanilang masaya at nakakagutom na cooking bonding kasama ang Mountain Dew Philippines.

Cravings: 4 Years in the Making

Sa kanyang bagong vlog, sinugod ni Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, ang magkapatid na Cong TV at Junnie Boy sa Congpound. 

Kwento niya, Payamansion days pa lang ay humiling na si Cong TV na paglutuan niya ito ng kanyang paboritong sinigang. 

Matapos ang apat na taon, tinupad na ni Ninong Ry ang cravings ng TP headmaster kasama ang Mountain Dew Philippines.

“Sa apat na taon muntik na nga sumama ‘yung loob ko eh,” biro ni Cong.

Bukod sa sinigang, binagoongang baboy, barbecue, mixed seafood, at inihaw na liempo ang ilan pa sa kanyang inihanda para sa Team Payaman.

Sa gitna ng kanilang mga paghahanda, hindi nawala ang kwentuhan at tawanan habang umiinom ng paborito nilang Mountain Dew.

Matapos ang ilang oras na paghahanda ng kanilang pagkain, handa na ang Team Payaman na tikman ang mga lutuin ni Ninong Ry. 

Kwento ni Cong TV, ang sinigang ang kanyang pinaka paborito sa lahat ng niluto ni Ninong Ry. 

Funny Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa at tuluyang nagutom matapos masaksihan ang ultimate boodle fight food trip ng Team Payaman.

@krfin: “Paldo na naman ang mountain dew. Sarap ng ganitong samahan!”

@tamsmotovlog442: “Antay ulit tayo ng 4 years sa pagpunta ni Cong kay Ninong!”

@TheMyth_100: “Bitin naman masyado to Nong, pag eto walang Part 2 Rereport namin channel mo HAHAHAH”

@CleentNasol: “Maraming salamat sa inyo Ninong Ry and team, dahil po sa inyo hindi naging boring ang bawat araw ko at puro pa katatawanan at bagong kaalaman ang lagi kong nakukuha sa mga content nyo. Maraming thank you sa lahat!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 hours ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

4 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

This website uses cookies.