Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, tampok ang mga tagpo sa nagdaang 7th birthday celebration ng panganay niyang si Kuya Mavi.

Alamin ang point of view ni Junnie bilang ama, at tunghayan ang komento ng mga manonood ukol dito.

TSUPER DAD: Expectation

Isa ang ‘Tsuper Dad’ serye sa mga inaabangan ng mga manonood mula kay Junnie dahil laman nito ang kwento ng kanilang pamilya at ng kanyang POV bilang isang ama.

Para sa ikatlong episode ng nasabing serye, ipinasilip ni Daddy Junnie ang kanilang mga paghahanda para sa ikapitong kaarawan ng panganay nilang si Mavi.

Kagaya ni Mommy Vien, hands-on din si Daddy Junnie sa pakikiisa sa food tasting para sa kaarawan ng anak.

Sa gitna ng kanilang preparasyon, hindi maiwasan ang mga tanong ni Mavi patungkol sa iba’t-ibang bagay.

“Ang nasa isip ko lang naman kapag may tanong si Mavi, kailangan masagot ko ng maayos,” kwento niya.

Ani Daddy Junnie, hanga siya sa pagiging self-aware at curious ng kanyang panganay dahil sa mga tanong niya rito.

Matapos ang food tasting, hands-on din si Junnie sa pag-aasikaso kay Mavi pagdating sa kanyang birthday photoshoot.

Pagdating sa araw ng mismong kaarawan ni Mavi, hawak kamay sina Mommy Vien at Daddy Junnie na binigyan ng isang masayang karanasan ang kanilang panganay.

“Noong tinitignan ko si Mavi na masaya noong birthday niya, pumapasok sa isip ko noon is ‘Good job, self!’ saad ni Junnie.

Token of Appreciation

Hindi napigilang maging emosyonal ni Junnie nang ikwento ang naging reaksyon ni Mavi matapos ang kanyang selebrasyon.

“Gulat na gulat ako. Habang pinapanood namin ‘yung same day edit, biglang lumapit si Mavi, kiniss kami,” kwento ni Daddy Junnie.

Dagdag niya pa, “Na-appreciate niya ‘yung ginawa namin ng Mommy niya para sa kanya. Parang balewala lahat ng ginastos. Isang kiss lang ‘yung binayad samin ni Mavi, pero di ko na iisipin kung magkano ‘yung ginastos ko doon.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

7 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.