
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang maswerteng mamimili ng Home Along.
Tunghayan ang mga tagpo na puno ng pagbibigayan na siyang nag-iwan ng ngiti sa kanilang napiling bigyan ng regalo.
TP vs 1,000 Appliances
Sa kanyang bagong vlog, kasama ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang ilang TP members na sina Junnie Boy, Burong Macacua, Carding Magsino, Yow Andrada, Boss Keng, Mentos Magnata, at Aaron Oribe sa isang branch ng kilalang one-stop appliances store na Home Along.
Isang hamon ang handog ni Cong para sa mga kasama kung saan ang bawat pares ay kinakailangang makabenta ng mga appliances mula sa Home Along.
Aniya, kung sino man ang may pinakamalaking kikitain ay magkakaroon ng surpresang premyo mula sa Home Along.

Taas noong hinarap ng TP members ang hamon ni Cong at ginawa nila ang kanilang makakaya sa pagbebenta ng mga quality appliances mula sa nasabing tindahan.
“Mga boss, andito kami para kumita eh,” biro ni Cong.
Hindi man naging madali para sa mga pares ang makabenta, hindi ito naging hadlang upang makalikom sila ng mga orders mula sa mga customers na bumisita sa nasabing Home Along branch.
Iba’t-ibang teknik ang ipinakita ng bawat pares, dahilan upang maging sanhi ito ng katatawanan hindi lamang para sa mga customers, pati na rin sa mga manonood.

Matapos ang ilang oras na pag-aalok ng mga kagamitan sa bahay, oras na upang kilalanin ang mga nanalo sa munting hamon ni Cong TV.
Ang pares nina Yow at Carding ay nakalikom ng mahigit P21,000 na sales, habang sina Junnie at Burong ay nakalikom naman ng P53,400 na sales.
P70,952 naman ang naipong kita ng pares nina Boss Keng at Mentos, at P79,508 naman ang pares nina Cong at Aaron, na silang itinanghal na panalo sa nasabing hamon.
Paying It Forward
Lingid sa kaalaman ng mga kalahok sa hamon ni Cong TV, ang tunay na nanalo sa kanilang hamon ay si Nanay Emilia —ang kanilang napili na mabibigyan ng regalo bago ang pasko.
Ani Cong TV, ang nalikom na kinita ng TP members na mahigit P200,000 ay ang halaga ng mga kagamitang maaaring maiuwi ni Nanay Emilia mula sa Home Along.
Kwento pa ni Cong, isa ang pamilya ni Nanay Emilia sa mga biktima ng sunog noong Setyembre, dahilan upang bigyan n’ya ito ng maagang pamasko.

Sinamahan ni Cong at ng kanyang kapwa TP members si Nanay Emilia na mamili ng mga appliances na kanyang nais iuwi.
Hindi napigilang maging emosyonal ni Nanay Emilia sa tulong na handog ng Home Along at ni Cong TV para sa kanilang pamilya.
Samantala, marami ang naantig sa pagtulong ni Cong, Team Payaman, at Home Along kay Nanay Emilia.
@rhokenzadventure628: “God bless you more boss, Cong TV.”
@mikecarique8068: “Solid talaga si Bossing at ang Team Payaman! Power bossing!”
@janinaruthbasa7974: “Sobrang saya ng puso kong makita na ibibigay kay Nanay yung premyo. In her old age, di na sya makakapagtrabaho at makakaipon ng pambili ng mga appliances para maging komportable ang life nya. Thank you so much Cong and Payaman team!”
Watch the full vlog below:





