Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng marami, isa rin pala siyang vlogger na may angking talento sa musika. 

Kamakailan lang, muling pinatunayan ni Yiv ang kaniyang husay matapos niyang ilabas ang isang cover song na pinamagatang “Ligaw Tingin.”

‘Ligaw Tingin’ by Yiv

Sa kanyang recently uploaded video, hatid ni Yiv Cortez ang kanyang bersyon ng awiting ‘Ligaw Tingin’ na una nang ipinarinig sa madla ng lead vocalist ng bandang COLN na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV.

Sa unang pakinig pa lang, agad na nahumaling ang mga manonood sa malamig, kalmado, at malumanay na boses ni Yiv. 

Simple ngunit puno ng emosyon ang kanyang pag-awit —natural, at tunay na tumatagos sa damdamin. Marami ang nagsabing mas lalo raw nilang na-appreciate ang kanta dahil sa chill at relaxing na atake ni Yiv sa awitin.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang humanga at nagulat sa itinatagong talento ni Yiv pagdating sa pagkanta, kung kaya’t kanilang ipinadala ang kanilang mga pagbati para sa bunsong kapatid ni Viy. 

@chonstv1128: “Nabigyan din ng hustisya ang LIGAW TINGIN ni Bossing! Super Supportive pa. Sarap sa ears!” 

@ManongEnan: “Like this version parang siya ang original. Her voice is calm and gentle. Not trying hard and very authentic. Ang galing mo Yiv.” 

@skye_mxm: “Kamukhang-kamukha ni ate Viviys! Super talented mo ate Yiv.” 

@leniviepolintan6710: “Mas chill version.. very nice.. kudos sa younger version ni Viy.”

@ynz09t2:“Laging pinapakinggan ni Kidlat ’yan habang nasa tiyan pa lang siya ni Viviys.” 

@Elciana362: “Sarap pakinggan yung version na ’to… lalo na pag maulan… malamig yung paligid… ganda ng boses.” 

@kuyazid:  “Ang ganda-ganda ni Yiv, generally maganda boses, maganda ugali. I love you Yiv.”

@macbrylle091188:“Sarap sa tenga. Sobrang chill lang. Pang-biyahe ’yung mga ganitong boses. Congrats Yiv!!”

Watch the full song cover below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

15 hours ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

1 day ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

2 days ago

This website uses cookies.