Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama ang kaibigang si Pat Pabingwit para sa“One Shot, One Makeup Challenge.”
Sa simula pa lamang ng video, ramdam na agad ang good vibes, kulitan, at natural na samahan ng dalawa na agad namang ikinatuwa ng mga manonood.
Matagal nang hinihiling ng mga netizens ang muling paglabas ni Pat Pabingwit, ang dating executive assistant ni Viviys, sa vlogs, kaya’t lalong naging espesyal ang episode na ito.
Marami ang natuwa na makita siyang muli matapos ang pagiging low-key nito sa social media nitong mga nakaraang buwan.
Simple lamang ang mechanics ng challenge bawat shot ng inumin ay katumbas ng isang hakbang sa makeup routine.
Mula primer hanggang lipstick, sinabayan nina Pat at Clouie ng shots ang bawat makeup step, dahilan upang maging mas kalog at entertaining ang buong vlog.
Sa gitna ng kasiyahan, naging relatable rin ang kanilang usapan tungkol sa makeup routines, lifestyle changes, at personal growth.
Ibinahagi ni Pat ang dahilan kung bakit mas pinili niyang maging low-key kamakailan kung saan nagkaroon siya ng ibang trabaho at lumabas sa kanyang comfort zone.
Hindi rin nawala ang mas malalim na diskusyon tungkol sa pagiging active sa bagong hobbies at pagsubok sa iba’t ibang bagay na ipinagpapasalamat nila ngayong taon.
Watch the full vlog below:
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…
This website uses cookies.