Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa ika-anim na episode ng Kusina Wars.

Sa kanyang bagong vlog, tampok ang tatlong miyembro ng Sexbomb Girls habang sinubukan nilang gumawa ng puto bumbong at nagbalik-tanaw sa mga taon ng kanilang kasikatan.

Kitchen Showdown

Bago magsimula ang pagluluto, ipinakilala ni Viy Cortez-Velasquez ang kanyang makakatunggali sa episode na ito, walang iba kundi ang tatlo sa mga miyembro ng iconic dance group na ‘Sexbomb Girls’ na sina Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia-Castro, at Rochelle Pangilinan-Solinap.

Sa pagpasok pa lamang ng Sexbomb Girls, agad nagbigay ng masayang enerhiya ang grupo. Ibinahagi rin ni Viy na matagal na niyang iniidolo ang mga ito kaya espesyal para sa kanya ang pagkakataong makipag kulitan at makipag kwentuhan sa kanila sa iisang vlog.

Habang ginagawa ang puto bumbong, tinalakay nila ang kasaysayan ng Sexbomb at kung paano sila nagsimula bilang backup dancers sa Eat Bulaga sa ilalim ng pangalang ‘Dance Focus.’ 

Napag-alaman din kung paano nila nakuha ang pangalang Sexbomb mula sa isang segment sa nasabing noontime show na ginamitan ng kantang ‘Sexbomb’ ni Tom Jones.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Sunshine kung paano nagsimula ang television drama na Daisy Siete at kung paano nagkaroon ng dalawang grupo ang Sexbomb, na binubuo ng dancers at singers, na kalaunan ay nagbigay daan sa pag-arte at iba pang showbiz ventures.

Habang tuloy-tuloy ang kwentuhan, nagbalik-tanaw ang tatlo sa hirap at saya ng kanilang panahon sa Sexbomb. Bagama’t nagbigay sa kanila ng malaking kasikatan ang kanilang trabaho, hindi nila inasahan ang ganitong antas ng tagumpay.

Noong una, wala silang ideya kung gaano sila kasikat dahil anila, wala pang social media noon. Ngunit ramdam nila ang suporta ng fans, lalo na sa mga mall shows na punong-puno ng kanilang mga taga suporta.

And The Winner Is…

Matapos ipakita ng Sexbomb Girls at ni Viy ang kanilang mga puto bumbong, dumating na ang panahon upang tawagin ang anim na hurado at simulan na ang paghuhusga.

Sinuri muna ng mga hurado ang itsura ng bawat puto bumbong, at napansin ang creativity at detalye ng bawat lutuin. Bagama’t may ilan na kakaiba ang presentasyon, binigyang-diin ni Cong TV na ang pinakaimportanteng sukatan ay ang lasa.

Matapos ang masusing pagsusuri, inihayag ng mga hurado ang nagwagi sa episode. Sa score na 88, tinanghal na champion si Sexbomb Mia Pangyarihan, na pinuri sa parehong presentasyon at lasa ng kanyang puto bumbong.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Joins the Fun of B1T1 Takeaway Coffee’s App Launch

Just in time for the holiday season, B1T1 Takeaway Coffee is giving customers a treat…

1 day ago

Tokyo Athena and Kidlat Serve Cuteness in Moana-Inspired Milestone Shoot

Good vibes at cuteness overload ang hatid ng magkapatid na Tokyo Athena at Kidlat sa…

1 day ago

This website uses cookies.