Pat Velasquez Gaspar Gives a Peek Inside Their Family Farmhouse in Silang, Cavite

Sa kanyang bagong vlog, nagbalik ang Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang family farmhouse sa Silang, Cavite upang magbigay ng pasilip dito.

Tunghayan ang simpleng pamumuhay ng pamilya Velasquez at ang hands-on baking session ni Isla kasama ang kanyang Mommy Pat at Tita Venice.

Farmhouse Tour

Sa simula ng vlog, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar na halos tatlong linggo na silang hindi nagkikita ng kanyang mga magulang kaya nagpasya siyang bumisita sa kanilang farmhouse sa Cavite kasama ang kanyang mga anak.

Ayon kay Pat, masarap tumambay sa kanilang farm lalo na ngayon na mayroon nang maayos na bahay na pwedeng tuluyan ng pamilya. 

“Kapag pupunta kami rito, gusto ko kasama ‘yung mga anak ko kasi ang sarap sarap tumambay dito sa farm kasi mayroon ng bahay,” ani Pat sa kanyang vlog.

Mula sa labas, ipinakita nina Pat at ng kapatid niyang si Venice ang kabuuan ng kanilang farm at ang 100 square meters farmhouse na natapos noong Hunyo. Tampok dito ang sala, kitchen, dirty kitchen, at malaking espasyo sa gilid kung saan nakalaan ang multi-purpose court para sa basketball at pickleball.

Bukod dito, ipinasilip rin nila ang kanilang pantry/storage room, master’s bedroom, common toilet, at guest room na kasalukuyang tinutuluyan ni Venice. Dito, binanggit nila na humigit-kumulang 5,000 square meters ang kabuuang lupa at plano nilang itayo rito balang araw ang dream house ng kanilang pamilya.

Baking Time!

Matapos ang farmhouse tour, nagtungo sina Pat at Venice sa kanilang kusina upang gumawa ng cinnamon bread rolls kasama si Kuya Isla. 

Gamit ang tatlong cups ng all-purpose flour, tinulungan ni Mommy Pat si Isla sa tamang paglagay ng rekados sa bowl kasama ang itlog, at sa paggawa ng butter, brown sugar, at cinnamon filling.

Habang ginagawa ang dough, ipinakita ni Pat ang tamang pag-ikot, pag-alsa, at paglagay ng filling nito. Pagkatapos itong ilagay sa oven ng 18 minuto, inihanda ang cinnamon rolls sa pamamagitan ng paglalagay ng icing bago ihain.

Sa pagtikim ng kanilang gawa, nagbahagi si Pat at ang kanyang pamilya ng kanilang pagkatuwa sa lasa nito at binanggit na mas masarap ang bagong recipe kumpara sa naunang version ni Venice dahil sa ilang adjustments.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

21 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

23 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 days ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

5 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

5 days ago

This website uses cookies.