Viy Cortez-Velasquez Masters the Kitchen in Cool Mom Episode

Sa pinakabagong episode ng Cool Mom, muling pinahanga ni Viy Cortez-Velasquez ang manonood matapos niyang pasukin ang totoong mundo ng professional cooking upang lutuin ang lahat ng handa para sa kaarawan ng asawa nyang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.

Professional Training ft. Viviys

Nagsimula ang vlog sa pagpasok ni Viy sa isang culinary class ng University of Perpetual Help. Agad niyang naramdaman ang bigat ng kitchen rules mula sa pagpapanatiling malinis ang kuko, maging ang kanyang mga kamay.

Kasama ng iba pang estudyante, tinuruan si Viy ng tamang paghihiwa, paghahanda ng rekados, at ilan pang kitchen preparation techniques. Kitang-kita ang kaba ni Viviys habang paulit-ulit niyang sinisikap sundin ang step-by-step instructions ng mga chef.

At gaya ng inaasahan marami ring bloopers. May nalito sa ingredients at may nakalimutang steps. Pero sa bawat pagod at pawis, hindi nawala ang determinasyon ni Viy. 

Sa bawat pagkakamali, natututo siya, at mas lalo pang napapalapit sa layunin niyang maging handa para sa pinaplanong surpresa para sa asawa.

Ilang putaheng Pinoy ang kanyang pinag-aralan gaya ng Crispy Bagnet Kare-Kare at Sinigang na ribs sa pakwan

Mas tumindi ang pressure na naramdaman ni Viy nang lumipat sila sa aktwal na restaurant kitchen ng Akiro Farm Café. 

Sa gitna ng init ng kalan at bilis ng mga pangyayari, hindi sumuko si Viy. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na ipaghanda at ipagluto ang kanyang pamilya ng iba’t ibang putahe. 

Nang matapos ang training, nakatanggap siya ng dalawang certificate, isa mula sa culinary class, at isa mula sa hands-on work sa restaurant kitchen, na siyang ikinatuwa ni Viviys.

Birthday Surprise

Matapos ang kanyang training, agad na sinimulan ni Viy ang paghahanda para sa kanyang surpresa para sa kaarawan ng asawang si Cong.

Pag-uwi ni Cong, bumungad sa kanya ang full set ng mga putahe na mismong si Viviys ang nagluto. 

Laking tuwa at gulat ni Cong nang malamang sumailalim sa propesyonal na training ang asawa maisagawa lamang ang mga lutuin. 

Habang tinitikman ni Cong ang mga lutuin ni Viviys, ikwinento naman n’ya sa asawa ang kanyang naging karanasan sa kusina na siyang lalong ikinatuwa ng birthday celebrant.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.