Dudut Lang Shares A Glimpse of New Business Venture

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a. Dudut Lang, ang kanyang bagong pinagkakaabalahan —ang pagnenegosyo.

Alamin ang mga paghahanda ni Dudut sa pagbuo ng kanyang bagong negosyo at kung ano ang dapat abangan mula rito.

New Business Venture

Sa simulang parte ng kanyang vlog, ipinasilip muna ni Dudut ang kanyang paghahanda ng pagkain para sa mga kapwa TP members habang sila ay may work trip sa Baguio.

Aniya, pastil at burger steak ang naisip n’yang putahe na ihanda, na s’yang ikinatuwa ng mga kaibigan.

Dahil marami ang kanilang mga nakasama sa nasabing lugar, maraming bilang ng pagkain ang naihanda ni Dudut para sa kanila.

Katuang ni Dudut ang mga kaibigan na sina Burong, Mentos, at driver nilang si Kuya Jonas sa pagpapamigay ng pagkain.

“Thank you, papa Dudut,” pasasalamat ni Cong TV sa kaibigan.

Dahil nagustuhan ni Cong TV ang serbisyong inihandog ni Dudut, muli siyang kinontrata sa susunod nilang proyekto na kakailanganin nila ng packed meals.

“May good news ako sa inyo team. Nakausap ko na si Bossing [Cong]. Sabi, sa next nilang ganito, tayo ulit ‘yung kunin,” ani Dudut.

Agad na ring inanunsyo ni Dudut sa mga manonood ang pagbuo ng kanilang sariling negosyo —ang ‘New Orders’, kung saan tumatanggap sila ng mga paluto para sa mga selebrasyon o hindi naman kaya’y para sa mga magbabakasyon.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang natuwa sa bagong business venture na ibinahagi ni Dudut Lang sa kanyang mga manonood.

@djtinvoartist: “This is really something to look forward to!!!! It’s like Dudut’s Vlog and Cong TV’s upcoming ones!!!! Exciting!!!”

@francheskamanguerra7691: “Love this work vlog!”

@bretheartgregorio1886: “Power sayo Dudut!”

@Papzr21: “Sir Dudut kung legit man ung business na sinasabi mo na “New Orders,”  baka pwede vlog din kahit 1 out 5 sa mga bookings nyo. Salamat. More of this please.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.