Dudut Lang Takes Charge in the Kitchen During Team Payaman’s Baguio Trip

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, hindi lang ang kanyang cooking skills kundi pati kung paano niya binabalanse ang oras, budget, at pangangailangan ng buong Team Payaman.

Mula sa maagang pamamalengke hanggang sa paghahanda ng almusal at tanghalian, siya ang nanguna sa pagtiyak na maayos at sapat ang pagkain para sa lahat.

Kitchen Hustle

Sa unang bahagi ng vlog, nilinaw ng Team Payaman vlogger na si Dudut na trabaho ang pakay ng kanilang grupo sa Baguio at hindi pahinga. 

Dahil marami silang kasama, nagtakda siya ng tuntunin na kakain lamang sila sa loob ng tinutuluyan at siya ang bahala sa pagluluto para makatipid.

Maaga siyang nagtungo sa palengke gamit ang budget na ibinigay ng kapwa TP member na si Cong TV. Una niyang hinarap ang hamon ng pagbili ng karne dahil hindi pa bukas ang mga tindahan, kaya bumili muna siya ng pandesal para may makain ang mga kasama.

Pagsapit ng alas-singko ng umaga, nagbalik siya sa palengke upang kumpletuhin ang mga sangkap tulad ng manok, tanglad, bawang, sibuyas, sayote, itlog, etag, at kiniin. Pagbalik sa kanilang tinutuluyan, agad niyang niluto ang tinolang gata at pinakuluan ang maskara ng baboy.

Dahil dalawang putahe ang plano niyang lutuin, bumili rin si Dudut ng mga pagkaing pansalo para siguradong may makakain pa rin ang kanyang mga kaibigan kapag maubusan siya ng oras sa pagluluto.

Habang abala si Dudut, bigla namang dumating sina Cong at ang buong grupo, kaya minadali niyang inihanda ang longganisa, itlog, at tinapa bilang agahan bago ituloy ang pagluluto ng tinola para sa kanilang tanghalian.

Matapos ihawin ang baboy para sa sisig at asikasuhin ang tanghalian ng grupo, nagpasya munang magpahinga si Dudut. Sa kabila ng pagod at paghahabol sa oras, nasigurado niyang nakakain ang lahat at handa ang grupo para sa susunod na araw ng kanilang trabaho.

Netizens’ Comments

Samantala, humanga naman ang mga tagapanood sa kasipagan at malasakit ni Dudut sa kanyang mga kaibigan.

@Painlessgaming12: “Lakas ni Dudut magluto. Hahahaha ang galing!”

@colynpetate4462: “Salute ‘yung ganitong tropa! This act of service ‘yung hindi mapapantayan!”

@Namibxbe: “Solid maging tropa ‘to si Dudut, busog lagi mga kaibigan niya sa kanya. Tsaka halatang kahit pagod, masaya siya gawin para sa mga kaibigan. More videos pa, Dudut! Salamat sa kasipagan mo, nai-inspire mo kami.”

@andrewpura: “Astig, Pards. Kahit nakakapagod basta makita mo na solve at nasarapan ‘yung mga nakakain ng niluto mo, balewala, eh. Sa dulo na tatama ‘yung gusto mong pahinga tapos luto ulit. Galing!”

@rhonguerera6891: “Ganitong kaibigan. Solid! God bless you, Duts.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 hours ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

7 hours ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

11 hours ago

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

6 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 week ago

This website uses cookies.