Team Iligan-Velasquez Shares a Full-On Halloween Celebration

Isang masayang halloween celebration experience ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang recent vlog.

Tunghayan ang mga tagpo sa hindi malilimutang trick-or-treat bonding nina Junnie, Vien, Mavi, at Viela. 

Halloween at Shangri-la

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang mga kaganapan sa likod ng masayang halloween experience ng kanyang mga anak.

Full support hindi lamang si Vien, kung hindi pati na rin ang asawa n’yang si Junnie Boy pagdating sa halloween costumes at sa mga aktibidad na kinabilangan nina Mavi at Viela.

Nagtungo ang pamilya Iligan-Velasquez sa Edsa Shangri-la Manila upang bigyan ng masayang karanasan ang kanilang little ones.

Si Mavi ay nagbihis Spiderman habang ang bunsong si Alona Viela naman ay suot ang kanyang Elsa-inspired dress.

Bilang parte ng kanilang halloween celebration, ilan sa mga aktibidad na nasubukan ng magkapatid ay ang trick-or-treat, face painting, pagkukulay, at pakikipaglaro sa iba pang mga little attendees.

Bukod sa kanilang halloween activities, minabuti rin nina Mommy Vien na magkaroon ng family time sa nasabing hotel.

Pagkain, paglangoy, at pananatili sa kanilang hotel room ang ilan lamang sa mga aktibidad na ginawa ng kanilang munting pamilya.

Priceless Reactions

Samantala, marami ang natuwa nang mapanood ang halloween experience nina Mavi at Viela mula sa vlog ni Mommy Vien.

@NicoleTemprosa: “Super genuine ni Mavi. Finally he has conquered what he was afraid of, proud of you, Mavs! Matutunan niya rin ang pakikipag socialize ng paunti unti!”

@PrettyNabi_02: “I love how Mavi can handle a conversation. Mahiyain sa una pero when he gets comfortable, he knows his conversation starters.”

@kurlevstemmer3359: “If I’m not mistaken Mavi is a pandemic kid so he was not able to mingle with kids so mahiyain sya, he will conquer it eventually.”

@maryyapchengco2192: “Napaka ganda talaga ng parenting ni Vien and Junnie sa 2 kids nila!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

6 hours ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

4 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

6 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

6 days ago

This website uses cookies.