Pat Velasquez-Gaspar Reveals Honest Progress in Her Postpartum Weight Loss Journey

Ilang buwan matapos manganak sa bunso nilang si Baby Ulap, taas noong sumabak ang Team Payaman mommy na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang balik-alindog program.

Tunghayan ang mga hakbangin at mga pagbabago pagdating sa physical appearance ni Pat, walong buwan matapos niyang manganak. 

Postpartum Weight Loss Journey

Kapansin-pansin ang unti-unting pagbabawas ng timbang ni Pat, lalo pa’t naging aktibo s’ya sa paglalaro ng pickleball.

Bukod sa kanyang hilig sa paglalaro ng nasabing sports, may ilang aesthetic procedures na isinagawa kay Pat upang ma-achieve ang kanyang weight loss goal.

Sa kanyang bagong vlog, sinagot na ni Pat ang mga tanong tungkol sa kung ano ang kanyang fitness routine. Aniya, una na ang pag-gy-gym at paglalaro ng pickleball sa talagang nakatulong sa kanyang pagpayat. 

Dagdag pa ni Pat, isa ang pagkakaroon ng Mommy pouch at mabigat na timbang sa kanyang mga iniinda, limang buwan na ang nakalipas. 

Naging tapat din si Pat sa kanyang manonood sa isa ring nakatulong sa kanyang pagbabawas ng timbang —ang Beauty Couture Aesthetic and Wellness Clinic.

Ibinahagi ni Pat na 57kgs ang kanyang inaasam na timbang —hindi malayo sa kanyang kasalukuyang timbang na 66kgs mula 71kgs.

Ilan lamang ang RF Cavitation at 3D Body Sculpt sa mga procedures na nakatutulong kay Pat sa pag-abot ng kanyang dream body.

“One of my favorite procedures, RF for tummy! Painless, non-invasive, helps break down stubborn fat, tighten skin, and boost collagen!” kwento niya.

Bukod kay Pat, isa ring well-deserved pamper session ang hatid Beauty Couture para sa asawa niyang si Boss Keng.

Isang relaxing facial at beauty drip ang hindi pinalagpas ng dalawa, na ayon sa kanila ay isang uri ng self-care.

Fun Experience

Hindi maitago ang tuwa ng dalawa dala ng relaxation feels na hatid ng kanilang pamper date session.

“Thank you so much, Ms. M! I feel so refreshed and pampered tonight. Thank you!” pasasalamat ni Pat.

“Nagisleep-isleep ako eh [kaya nag-enjoy]!” komento naman ni Boss Keng.

Para sa mga nais simulan ang kanilang beauty and wellness journey, may handog na discount code si Pat para sa mga nais bumisita sa Beauty Couture.

“Kapag nag-visit kayo dito sa Beauty Couture, mayroon kayong 10% discount sa lahat ng services just mention ‘yung PATGASPAR BEAUTY COUTURE” pagbabahagi n’ya.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

2 days ago

Dress Selections That Shouldn’t Leave Your Closet According to Viy Cortez-Velasquez

Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…

2 days ago

Boss Keng Explores Ocean Park in Hong Kong with Team Payaman

Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…

2 days ago

Viyline Kicks Off Weekly ‘Friday PAAWER Deals’ TikTok Live Featuring the Cortez Sisters

Viyline is set to kick off a new weekly digital shopping series—“Friday PAAWER Deals,” a…

2 days ago

Netizens Applaud Aaron Oribe’s Story of Determination and Inspiration

Isang kwento ng pagsusumikap ang handog ni Aaron Oribe sa mga manonood. Taglayin ang inspirasyong…

2 days ago

This website uses cookies.