Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga kaganapan sa ‘Sun2Kan sa SkyDome,’ isang malaking comedy event na pinangunahan ng Pencilbox Comedy para sa kanilang ikalawang anibersaryo.

Sa kanyang bagong vlog, makikita ang ilang pasilip sa kulitan at paghahanda ng mga komedyante bago magsimula ang naturang show.

Sun2Kan sa Skydome D-Day

Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang kanyang paghahanda bago ang ‘Sun2Kan sa Skydome,’ kabilang ang pamimigay ng mga ticket sa ilang kaibigan mula sa Team Payaman kabilang na ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez bilang regalo para sa kaarawan ni Cong.

Sa kanyang biyahe papuntang Skydome, ipinaliwanag ni Burong na maaga ang kanilang call time para sa rehearsal at makeup preparation. Pagdating sa nasabing venue, ipinakita niya ang lawak nito at ang mga paghahanda kasama ang iba pang performers.

Kasunod nito, nakasama ni Burong ang beteranong komedyante na si Herman Salvador Jr., a.k.a. “Brod Pete,” na isang special guest ng event. 

Makikita rin sa vlog ang masayang kulitan ng mga cast bago magsimula ang palabas, pati na rin ang pagdating nina Cong, Viy, at Genggeng upang magbigay ng suporta sa Pencilbox.

Bago magsimula ang programa, ipinakita rin ang mahabang pila ng mga manonood sa labas ng SM North Edsa Skydome. Sa huling bahagi ng vlog, ipinasilip ni Burong ang ilan sa mga eksenang puno ng tawanan kabilang ang witty performance ni Brod Pete at iba pang komedyante.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati kay Burong at sa buong Pencilbox Comedy casts, at umaasang magkakaroon pa ng susunod na live show.

@jadeangelopatron500: “Pati SPIT Manila nanonood. Power!”

@chriz819: “Congrats, Burong! I love watching Pencilbox Comedy. Isa ‘to sa rason kung bakit matagal ako sa CR. Hahahahaha!”

@MochiMochi-b8x: “Sana masundan ulit ‘to Gusto ko din manood ng live.”

@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Boss Burs!”

@ettykett: “Congrats, Burong and the whole team of Pencilbox. More power to you guys and more sponsors. Gawa kayo story paano nabuo ang Pencilbox.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.