Hindi maitago ang pagkatuwa ng Team Payaman power couple na sina Vien Iligan-Velasquez at Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa academic achievement ng kanilang bunsong anak na si Alona Viela.
Tunghayan ang mga pagbabago pagdating sa pagkatuto ni Viela sa tulong ng Kids’ Learning Ville.
Sa isang Instagram reel na hatid ng Kids’ Learning Ville, kanilang ibinahagi ang isang sit-down interview kasama ang mag-asawang Junnie Boy at Vien, kung saan kanilang tinalakay ang mga academic milestones ng bunso nilang si Alona Viela.
Agad na tinanong ang mga magulang ni Viela sa kanilang napapansin na pagbabago sa personalidad at karakter ng kanilang bunso.
“Mas grabe ‘yung imagination. Kita n’yo naman ‘yung pagbabago kay Viela, ‘yung pagiging independent n’ya. All thanks to Kids’ Learning Ville,” bungad ni Junnie.
Bagamat pinapangunahan pa ng hiya at kaba sa kanyang unang session, tiwala si Mommy Vien na unti-unti ring makukuha ni Teacher Jan ng Kids’ Learning Ville ang loob ni Viela.
Proud ding ibinida ni Mommy Vien na sa bumuo sila ng munting “Wall of Art” sa kanilang tahanan upang mas maenganyo pa ang kanilang mga anak na gumuhit at mag-kulay.
Isa pa sa mga aktibidad na ikinatuwa ng proud parents ay nang gumawa si Viela ng sarili niyang pancake at lemon juice.
“‘Yung lemon juice na sobrang asim!” biro ni Mommy Vien.
Laking pasasalamat nina Junnie at Vien sa taglay na tiyaga at galing ng mga bumubuo ng Kids’ Learning Ville.
“Thank you Teacher Jan sa activities ng Kids’ Learning Ville [kasi] hindi sila nadi-distract sa ibang bagay,” pasasalamat ni Mommy Vien.
“Tsaka ‘yung awareness n’ya sa mga gamit, lalo na sa mga gunting, kasi nate-train nga ‘yung mga motor skills nila. Highly recommended [to] try ang Kids’ Learning Ville,” dagdag naman ni Daddy Junnie.
Sa mga nais bigyan ang kanilang mga anak ng preparasyon para sa regular schooling, huwag mag-dalawang isip na i-enroll ang inyong mga anak sa Kids’ Learning Ville!
Manatiling naka-follow sa kanilang official Facebook at Instagram page o hindi kaya’y tawagan sila sa mga sumusunod na detalye para sa karagdagang impormasyon:
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
This website uses cookies.