Isang super relaxing na ‘SPAdventure’ ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, kasama ang kanyang Team Payaman buddy-of-the-day na si Chino Liu. Tampok sa video ang kanilang first-ever Head Spa experience na talaga namang much-needed!
Matapos nilang ma-miss ang pagkakataon na subukan ang head spa sa kanilang Vietnam trip kamakailan, nagpasya ang TP duo na bisitahin ang newly opened Ayumi BF Homes, Paranaque Branch na malapit lang sa kanila.
“Hi guys… Today, ang agenda namin ng aking ‘Auntie’ ay magpa-heads pa. So, isasama ko kayo sa aming bonding. Let’s go to Ayumi for a head spa,” sabil na ani Clouie.
“Ito ‘yung pinagkait sa amin nung nag-Vietnam trip kami kasi wala na talaga kaming time,” dagdag pa niya.
Sinimulan nila ang kanilang head spa sa isang detalyadong scalp health analysis sa tulong ng mga staff ng nasabing wellness salon.
Dito, natuklasan nila ang kani-kanilang scalp issues tulad ng oil imbalance at ang posibilidad ng psoriasis na isang mahalagang hakbang na nagpapakita ng holistic approach ng spa.
Sa kanilang vlog, ipinakita nina Clouie at Chino ang kanilang 120-minutong treatment na binubuo ng thorough cleaning, conditioning, at paglalagay ng protein cream na may layuning pabutihin ang kondisyon ng kanilang hair and scalp.
Bukod sa nakaka-relax na ambiance, mas pinaganda pa ang kanilang karanasan dahil sa kumpletong steam at masahe na talaga namang nagbigay ng therapeutic experience.
Sa huli, hindi naman naitago ng spa buddies ang kanilang satisfied faces at buong puso nilang inirekomenda sa kanilang manonood ang very fun, calming, and soothing na head spa experience sa Ayumi.
Ayon kay Clouie, ang kanilang Hair and Scalp Treatment ay nagkakahalaga lamang ng PHP 2,500 para sa 120-minutong sesyon at aniya, ito ay “very affordable and super sulit.”
Ipinakita rin niya ang buong menu ng spa, na nagpapakita ng iba pa nilang abot-kayang serbisyo.
Watch the full vlog below:
The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…
Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
This website uses cookies.