Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng bunsong anak ng Team Payaman members na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez na si Tokyo Athena.
Bilang selebrasyon ng kanyang monthly milestone, isa na namang Disney Princess-themed photoshoot ang isinagawa ng kanyang pamilya sa tulong ng The Baby Village Studio.
Bilang selebrasyon ng kanyang ika-pitong buwan, ibinida ni Mommy Viy sa isang Facebook post ang mga litrato kung saan suot ni Baby Tokyo ang costume na hango sa Disney princess na si Fa Mulan.
Samantala, katabi naman nito ay ang cute na nakatatandang kapatid niya na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kidlat. Ang suot naman ni Kidlat ay hango sa loyal dragon guardian ni Mulan na si Mushu.
Tampok din sa video upload ng co-owner ng The Baby Village Studio na si Jaysteel Dacudao ang ilang behind-the-scenes at mga kwento sa pagpaplano upang tagumpay na mabuo ang monthly milestone shoot ng Cortez-Velasquez siblings.
Kwento ni Jaysteel, isa sa pinaka-importanteng investment ay ang mga alaala sa bawat araw na lumalaki ang mga bata sa pamilya, kung kaya malaki ang pagpapasalamat niya sa mag-asawang Cong at Viy sa ibinigay na tiwala.
“Isa sa pinakaimportanteng investment ay memories during the days na lumalaki sila. Nakikita mo ‘yung stage ng growth nila. Maraming maraming salamat Viviys and Boss Cong for always choosing The Baby Village Studio para sa mga ganitong milestone,” ani Jaysteel.
Hindi rin naman napigilan ng ilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan na mag-iwan ng mga komento ng papuri.
“Omg, ang cute HAHAHAHA,” komento ni Tita Yiv Cortez.
“Happy 7th month Tokyo ganda! Lola loves you & Kuya Kidlat,” komento naman ni Lola Jovel Cortez-Velasquez.
Watch the full video below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.