Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa kanyang pinakabagong vlog, tampok ang isang 27-anyos na lalaki na ang simpleng paghingi ng litrato ay nauwi sa isang hindi inaasahang oportunidad.
Mula sa isang karaniwang tagpo sa kalsada, ibinahagi ni Cong sa madla ang buhay ni Aaron, isang ordinaryong Pilipino na may malaking pangarap.
Kamakailan, muling ipinakita ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ang kanyang ‘back to basic’ style na madalas magustuhan ng kanyang mga manonood.
Kasama ang kapwa TP member na si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, naglakad sila sa mga kalsada at sumakay ng LRT upang muling maranasan ang reyalidad ng buhay.
Habang sakay ng LRT, nakasalamuha nila ang ilang tagasuporta na labis na natuwa sa hindi inaasahang pagkikita. Ilan sa mga ito ay nakipagkwentuhan kay Cong tungkol sa trabaho, karanasan sa abroad, at ang dahilan ng pagpunta nila sa Maynila.
Sa pagpapatuloy ng kanilang biyahe, nakilala nila si Aaron, isang 27-anyos na tagahanga ni Cong TV mula Surigao na lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho matapos makaranas ng pagsubok.
Ayon kay Aaron, papunta sana siya sa Tayuman para sa kanyang job interview, ngunit nang makita si Cong sa loob ng tren ay hindi niya pinalampas ang pagkakataong makakuha ng litrato kasama ang matagal na niyang iniidolo.
Matapos ang mahabang usapan, inimbitahan mismo ni Cong si Aaron na sumama sa kanila. Sa isang kainan sa kahabaan ng Taft, mas nakilala pa nila si Aaron—dating empleyado ng isang fast food restaurant na umalis ng probinsya matapos ibenta ang kanyang motor upang makapunta ng Maynila.
Sa kabila ng mga pinagdaanan, ipinakita ni Aaron ang kanyang determinasyon na magtrabaho at makabangon. Dahil sa kanyang kwento, agad na napukaw ang atensyon ni Cong at ni Burong.
Sa gitna ng biruan at tawanan, ipinangako ni Cong na susubukan nilang tulungan si Aaron na makahanap ng trabaho. Hindi nagtagal, sinamahan siya ni Cong sa Department of Foreign Affairs upang asikasuhin ang kanyang passport bilang paghahanda sa posibleng biyahe.
Sa kalagitnaan ng usapan, ibinunyag ni Aaron na minsan siyang nakulong sa kanilang probinsya dahil sa kasong may kinalaman sa droga, ngunit nilinaw niyang matagal na itong nangyari at tuluyan na niyang tinalikuran.
Gayunpaman, tinanggap ito ni Cong nang may pang-unawa at sinabing tapos na ang nakaraan ni Aaron dahil napagbayaran na niya ito.
Sa ikalawang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Cong ang pagpapatuloy ng kwento ni Aaron. Sa pagkakataong ito, personal niyang pinuntahan si Aaron sa BigRoy’s Boodle Fight kung saan ito kasalukuyang nagtatrabaho.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Aaron, may nakahandang sorpresa para sa kanya sina Cong. Tulad ng ipinangako sa unang bahagi ng vlog, plano niyang isama ito sa kanilang biyahe papuntang Taiwan.
Kalaunan, ipinakita sa vlog ang masayang karanasan ni Aaron habang tinutupad ang matagal na niyang pangarap na makapag-abroad. Kasama sina Cong at Burong, nasaksihan niya ang mga bagong tanawin, nakasubok ng pagkain at kultura sa Taiwan.
Sa kabila ng biglaang pagkikita nila sa isang istasyon ng LRT, naging daan ito sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
Watch the full vlog below:
Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…
As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…
Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…
Isa na namang nakakagutom na adventure ang ibinahagi ni Jai Asuncion sa kanyang bagong YouTube…
The holiday season is fast approaching, and there’s no better time to shop for Christmas…
Bago pa man din tuluyang maging isang tunay na ‘payaman,’ dumaan din ang tinitingalang vlogger…
This website uses cookies.