Cong TV Gets Real About the Hustle and Bustle of Content Creation

Bago pa man din tuluyang maging isang tunay na ‘payaman,’ dumaan din ang tinitingalang vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa tinatawag na ‘petsa de peligro’ pagdating sa content creation.

Alamin ang mga hakbangin at payong hatid ni Cong pagdating sa pananatili sa mundo ng content creation.

Road To The Top

Sa kauna-unahang episode ng Petsa de Peligro Podcast, tampok ang Team Payaman vlogger at UnionDigital Bank ambassador na si Cong TV.

Isa ang usapin patungkol sa paggawa ng contents ang naging diskusyon ng nasabing podcast na pinangunahan ng dalawa sa mga kilalang content creator sa bansa na sina Poca at Charlize Ruth, a.k.a Charuth. 

Una nang ibinahagi ni Cong ang kanyang hirap pagdating sa pagbuo ng konsepto ng mga vlogs na kanyang inilalabas.

Kwento n’ya, isang hamon para sa kanya ang pagbuo ng ideya ng mga kanyang inilalabas na contents, partikular na sa YouTube.

“Parang minsan, kailangan palagi kang may bago [content]. ‘Yun ‘yung unang tinatry mong hanapin kapag content creator ka,” aniya.

Dagdag n’ya, sa tuwing matatapos nyang buuin ang isang vlog, agad din n’yang pinagtatrabahuhan ang pagbuo ng kanyang susunod na content. 

“Parang hindi natatapos ‘to [paggawa ng content] eh. Kasi, pagkatapos mong gawin ‘yung isa [vlog], problema mo na agad ‘yung susunod,” salaysay ni Cong.

Pagbabahagi ni Cong, isa rin sa dahilan kung bakit matagal ang kanyang pag-upload ng vlogs ay dahil kailanma’y hindi niya ginustong makisabay sa uso.

“Hindi ako mahilig mag-jump masyado sa trend. Tinatry kong gumawa ng sarili kong kwento,” dagdag n’ya.

Payo n’ya sa mga aspiring content creators na pwedeng sumabay sa uso, ngunit matapos hanapin ang kanilang pagkakakilanlan, mabuting gamitin ang sarili nilang mga ideya at konsepto.

Paliwanag din ni Cong na ang pagiging isang content creator ay hindi laging nasa tuktok, bagkus lahat ay dadaan sa pag-angat at pagbasak.

“‘Yung pagiging content creator natin may highs and lows ‘yan eh. May tatamaan kang peak tapos babagsak ka. Hanapin mo ulit ‘yung next [content] mo kung gusto mong tumagal,” payo n’ya.

Inspiring Reactions

Samantala, marami ang bumati nang matunghayan ang kauna-unahang episode ng Petsa de Peligro Podcast hatid ng UnionDigital Bank.

@LightCassiopeo: “Yung alam na alam ko naman kwento nila Cong pero di parin ako nagsasawa na pakinggan kung saan sila nanggaling.”

@venganza2155: “Ganda rin ng tandem ng hosts, galing mag-interview. Alam nila kung kailan papasok na hindi nasasapawan ang guest. Looking forward to the next episode!”

@iyahpot01: “Sarap kakwentuhan ni Cong sa totoo lang. ‘Yung tipong matutulala ka habang nagsasalita sya.”

@peeleep7086: “Ito na ba ‘yung era na open si Cong sa mga guestings? Nice pero alam ko naman na sinabi nya nun na this is his year!”

Watch the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Jai Asuncion Explores Taiwan’s Street Food in Ximending Night Market

Isa na namang nakakagutom na adventure ang ibinahagi ni Jai Asuncion sa kanyang bagong YouTube…

5 hours ago

Buy More, Save More With Viyline’s Exclusive 11.11 Bundle Deals

The holiday season is fast approaching, and there’s no better time to shop for Christmas…

7 hours ago

Billionaire’s Gang Carlyn Ocampo Surprises Father With a Brand New SUV

Isang dream-come-true moment ang ibinahagi ng Billionaire's Gang member na si Carlyn Ocampo sa kaniyang…

7 hours ago

Netizens Pokes Fun of Yow Andrada’s Hilarious Skit in Recent Vlog

Isang nakakatuwang vlog na naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada,…

7 hours ago

Toni Fowler Proudly Shares Baby Tyronne’s Newly Designed Room

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng content creator at celebrity mom na si Toni Fowler…

5 days ago

Netizens Share Hilarious Reactions to Cong TV’s Surprise Cameo in ‘Quezon’

Isang nakakatuwang sorpresa ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang Facebook post nang ipakita niya…

6 days ago

This website uses cookies.