Isang dream-come-true moment ang ibinahagi ng Billionaire’s Gang member na si Carlyn Ocampo sa kaniyang pinakabagong YouTube vlog.
Taos-pusong iniregalo ng 29-anyos na content creator ang isang brand new SUV sa kanyang ama bilang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito simula pa noong bata siya.
Ayon kay Carlyn, matagal na raw niya itong pinapangrap gawin. “Bata pa lang talaga ako, pinapangarap ko na ‘tong gawin, eh. Hindi lang para sa akin, pero para talaga sa mga taong unang naniniwala sa akin, at ‘yun si Mama at Papa,” emosyonal niyang pahayag.
Pagsang-ayon naman ng kanyang longtime partner na si Von Ordoña, ang kaligayahan ng mga magulang ang ultimate goal nila.
Ikinuwento ni Carlyn na lumaki siyang may responsableng mga magulang na walang hanggan ang suporta.
Mula sa kanyang mga audition at mga sinasalihang patimpalak bago pa siya maging ganap na international artist noon, nakaalalay na ang kanyang mga magulang.
Para sa kanya, ito na ang tamang panahon upang suklian ang lahat ng pagmamahal na kanyang natanggap.
“This is my way of giving back to all the sacrifices, patience, at saka ‘yung love nila para sa akin,” diin niya.
Hindi naman maikakaila ang matinding tuwa at sorpresa sa ama ni Carlyn nang makita ang kanyang brand new car.
Ang iniregalo ni Carlyn ay isang Ford Everest SUV, na matagal nang pangarap ng kanyang ama. “Ay, wow naman. Ano ba ‘to? Totoo ba ‘to?… Thank you. Thank you!” labis na pasasalamat nito.
Hindi naman niya naitago ang pagiging emosyonal, matapos niyang hindi makapaniwala na natupad ang kanyang pangarap.
“Siyempre, speechless ako, eh. Naiiyak ako. Napaiyak talaga ako kasi hindi ko akalain na magawa ni Carlyn ‘to sa akin, na mabigyan ako nito,” salaysay niya, lalo pa at may balak pa sana siyang umutang sa anak para mabili ang kanyang dream car.
“Ang gusto pala niya, i-surprise ako. Ibigay niya sa akin… Nanginginig ako sa saya, sa tuwa. Birthday gift niya sa akin ‘to. Thank you, Lord,” dagdag pa niya.
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.