Toni Fowler Proudly Shares Baby Tyronne’s Newly Designed Room

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng content creator at celebrity mom na si Toni Fowler ang naging room transformation ng kanyang bunsong anak na si Baby Tyronne.

Mula sa pag-aayos hanggang sa final look, makikita ang pagiging hands-on ni Mommy Toni para masigurong maayos at maganda ang kalalabasan ng kwarto.

Room Transformation

Sa simula ng vlog, makikitang personal na inasikaso ni Tonimari Fowler, a.k.a. ‘Mommy Oni,’ ang pagpuputol ng mga wall decorations para sa silid ni Baby Tyronne. Ipinakita rin niya ang ‘before’ and ‘after’ look ng kwarto na ngayon ay mas maaliwalas at mas organisadong tignan.

Kasunod nito, ibinahagi ni Mommy Toni ang mga kagamitang inihanda para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang anak tulad ng bottle washer, UV sterilizer, milk maker, bladeless fan, at air purifier. 

Mayroon ding mga storage box para sa mga unan at gamit ng mga katiwala upang mapanatiling maayos ang paligid.

Kasama rin sa ipinakita ni Mommy Toni ang height chart kung saan sinusukat ang paglaki ng anak, pati na rin ang mga dekorasyong ulap sa dingding at kisame.

Bukod dito, idinagdag niya ang outer space-themed foam decorations na may disenyo ng mga planet, spaceship, rocket, at astronaut na nakadikit sa kulay asul na pader.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinaabot ni Mommy Toni ang kanyang labis na kasiyahan sa natupad niyang pangarap na magdisenyo ng sariling kwarto para sa anak.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang namangha sa ganda ng kwarto ni Baby Tyronne at sa naging resulta ng transformation.

@JOhAL127: “Wow ang ganda na ng kwarto ni Baby Lab.”

@MaryJayGarcia: “Ang ganda ng room ni Lab.”

@RosieMK2: “Wow ang room ni Lab ay sobrang ganda!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.