Isang nakakatuwang sorpresa ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang Facebook post nang ipakita niya ang cameo appearance ng kanyang asawa na si Cong TV sa pelikulang ‘Quezon,’ ang epic historical drama ni Jerrold Tarog na pinagbibidahan ni Jericho Rosales.
Tunghayan ang mga nakakaaliw na komento ng Team Payaman fans habang ipinapahayag ang kanilang tuwa at paghanga kay Cong TV.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang isang eksena ng pelikula kung saan makikita si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, bilang isa sa mga tauhang nasa parada ni Quezon.
“Kaya pala hindi na siya vlogger. Hulaan niyo na lang din kaninong noo ‘yan,” biro ni Viy sa kanyang post.
Ang pelikula ay ang ikatlo at huling bahagi ng Bayaniverse trilogy ng TBA Studios, kasunod ng ‘Heneral Luna’ at ‘Goyo: Ang Batang Heneral.’
Tampok sa nasabing pelikula si Jericho Rosales, na gumanap bilang Manuel L. Quezon, na naglalahad ng pag-angat niya sa politika bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Samantala, agad namang umani ng reaksyon at nakakatawang komento mula sa netizens ang post ni Viy tungkol sa cameo ng kanyang asawa.
Aj Blaime: “Si Echo ba ‘yang nasa bungad?”
Lowie Jay: “AI ba ‘to?”
Archie Rocacorb: “Kaya pala wala kang vlog, Mossing. Pumunta ka sa nakaraang dimensyon.”
Jan Na: “At nagulat nga kami nung biglang labas ni Cong TV sa part na ‘yan. Sabi namin, ‘ginagawa ni Cong dyan?’ pero tawang-tawa talaga kami. Parang siya pa tuloy ‘yung tumatak lang sa’kin na character sa Quezon.”
Maria Corazon Padrinao: “Nagulat nga kami pagsigaw niya sabay harap, si Cong pala! Sabay sabi ng anak ko, ‘Uy, kasali si Cong!’ Natawa din ako sa part na ‘yun kasi si Cong nagdala. Hahaha! Tawanan ang mga tao sa loob ng sinehan, eh! Mark my words, isa si Cong sa pinag uusapan sa paglabas ng mga tao sa sinehan!”
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…
Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…
Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…
Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…
Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…
This website uses cookies.