Viy Cortez-Velasquez Brings Luck to the Kitchen with Recent ‘Cooking Ina’ Episode

Sa isa na namang episode ng ‘Cooking Ina’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, good vibes at kwentuhan na naman ang hatid ng Team Payaman momma habang nagluluto siya ng mga pagkaing kulay green na ayon sa kanya ay  inspired daw sa kwento ng swerte ni Cong TV.

The ‘Green Luck’

Habang naghahanda ng mga rekado, ikinuwento ni Viy na napanood niya ang isang video interview ni Junnie Boy, kung saan nabanggit na may parang “bantay” o elementong sumusunod kay Cong, na nagpo-protekta at nagbibigay ng swerte sa kanya. 

Ayon sa kwento ni Junnie, kapag may taong may masamang intensyon laban sa kapatid n’yang si Cong, bumabalik daw iyon sa kanila, dahilan kaya nananatiling positibo at maayos ang takbo ng mga bagay sa paligid niya.

Doon din napansin ni Viy na halos lahat ng brand partnerships ni Cong mula sa Mountain Dew, Mang Inasal, hanggang sa iba pa nilang negosyo, at gamit sa bahay ay kulay berde. Simbolo raw ito ng enerhiya at proteksyon na dala ng elementong nabanggit sa interview.

Green Dishes = Good Energy

Matapos mapagtanto ang swerteng hatid ng kulay berde, naisipan ni Viviys na magluto ng putaheng may touch of green sa kanyang recent ‘Cooking Ina’ episode.

Una niyang inihanda ang Tuna Pesto Pasta. Bukod sa pagluluto, patuloy pa rin si Viviys sa pagkekwento ng mga bagay na inaasahang mangyayari sa kanilang pamilya, kabilang na ang haka-hakang may mamamatay silang alagang hayop ngayong taon.

Ibinahagi ni Viy na todo ang kanilang pag-aalaga sa kanilang furbaby na si Cheesecake, a.k.a Ikik. Dagdag pa n’ya na hindi rin sila nagkukulang sa pagpapadala nito sa veterenarian upang ipasilip.

 

Pero matapos ang ilang linggo, hindi pala si Cheesecake ang tinutukoy, kung hindi si Tawki, ang isa pa nilang alagang aso. Doon napagtanto ng kanilang pamilya na tumutugma ang sinabi sa kanila ng manghuhula. 

Matapos ang kwentuhan, agad na bumalik si Viviys sa pagluluto ng pasta. Agad n’ya rin itong sinundan ng Buko Pandan, isa sa mga paborito niyang panghimagas.

Habang hinahalo ang krema at gulaman, napunta naman ang kwentuhan sa mga simpleng handaan sa bahay, na ayon kay Viviys ay hindi mapapantayan ng kahit anong mamahaling kainan.  

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

6 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

6 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.