Isang nakakatuwang balita ang hatid ng Team Payaman content creator na si Yow Andrada sa kanyang bagong vlog.
Maisagawa kaya nila ng ilang TP members ang matagal na nilang pinaplanong ‘Team Payaman’ movie?
Isinama ni Yow Andrada ang kanyang mga manonood sa pagpaplano ng konsepto ng kanilang pinapangarap na ‘Team Payaman’ movie.
Bukod kay Yow, kasama rin n’ya ang editor-turned-content creator na si Steve Wijayawickrama at Bok Magnata sa pagbuo nito.
“Nararamdaman ko ‘yung art eh. ‘Yung art of film!” ani Yow sa mga kasama.
Napag-usapan ng tatlo na si Steve ang magsisilbing assistant director, habang si Yow naman ang magiging producer. Kinuha rin ng dalawa sina Mentos at Bok bilang parte ng kanilang proyekto.
Bagamat marami na ang mga nais makiisa sa nasabing pelikula, isa pa sa kanilang misyon ay ang paghahanap ng direktor.
Game na nagsama-sama ang grupo ni Yow upang maghanap ng direktor na pasok sa tema ng kanilang nilulutong pelikula.
Habang patuloy na naghahanap ng kanilang direktor, minabuti ng grupo ni Yow na mag-ensayo pagdating sa pag-arte, na s’yang pinangunahan nina Mentos at Bok.
May mga taga-suporta ring game na game na nakipag-aktingan kasama ang ilang TP members.
Samantala, naaliw naman ang mga manonood matapos masaksihan ang kulitan moments ng ilang TP members para sa kanilang proyektong pelikula.
@GuttaLOVEbigjoe: “Sa tagal nawala ni Mentos, daming punchline naipon!”
@bretheartgregorio1886: “Thank you Yow, the content material!”
@t.arca1371: “Kumusta ka Yow? Tuloy mo lang mag-upload, wag ka sanang magsasawang pasayahin kami!”
Watch the full vlog below:
As the new year begins, Playhouse Pickle invites both fitness enthusiasts and casual players to…
Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…
Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…
Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
This website uses cookies.