Sachzna Laparan Proudly Shares Her Home Built from Years of Hard Work

Matapos ang ilang buwang paghihintay, ibinahagi na ng content creator at actress na si Sachzna Laparan ang mas detalyadong house tour ng tahanang bunga ng kanyang sariling pagsisikap.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Sachzna ang bawat sulok ng kanyang modern Japanese-inspired house, mula sa mini garden hanggang sa ikatlong palapag ng bahay.

‘House Tour 2.0’

Sa unang bahagi ng vlog, inanyayahan ni Sachzna ang kanyang mga manonood na silipin ang mini garden na siya mismo ang nagpagawa. Ayon sa kanya, lahat ng halaman sa paligid ay mula sa Golden Bonsai at wala raw siyang kinuha o tinanggap na sponsorship para rito.

Ibinahagi rin ni Sachzna na madalas silang tumambay ng kanyang longtime partner na si Jed Pascual, a.k.a. Boss G, sa mini garden tuwing gusto nilang magpahinga sa labas. May mga ilaw sa paligid na nagbibigay ng probinsya vibes kahit sila ay nasa lungsod.  

Pagdating naman sa garahe, ipinakita niya ang kanyang mga sasakyan kabilang ang Corvette at BMW, na ayon sa kanya ay bunga ng sariling pagsisikap at hindi ng anumang koneksyon o impluwensya. 

Ang nasabing garahe ay may automatic door system para sa karagdagang seguridad, kalakip ng fingerprint at face detection system sa mga pintuan ng bahay.

Sa loob, kapansin-pansin ang dami ng halaman at bonsai sa bawat sulok. Para kay Sachzna, ang mga ito ay nagbibigay ng mas healthy at maaliwalas na kapaligiran sa kanilang tahanan.

Kasunod nito, ipinakita rin ni Sachzna ang kanyang work from home setup, kung saan madalas siyang magtrabaho kapag wala sa opisina, pati ang kanyang mga YouTube plaques at ilang personal artwork. 

Sa labas ng kanyang at-home office, makikita ang mini jacuzzi area na may waterfall feature, malaking bonsai, at aquarium na may mga isdang inaalagaan nila ni Boss G.

Sa pagpapatuloy ng kanyang house tour, ipinakita ni Sachzna ang dirty kitchen, guest rooms, closet, living room, at pati ang kanyang personal na kwarto. 

Sa kabuuan ng vlog, ipinasilip niya ang bawat bahagi ng kanyang tahanan na puno ng personalidad at mga alaala ng kanyang pagsisikap bilang content creator at negosyante.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang humanga sa disenyo ng bahay ni Sachzna, lalo na sa kakaibang kombinasyon ng modern at Japanese-inspired style.

@JanningB.D: “Ang ganda, super! ‘Di s’ya masakit sa mata. Kakaiba kasi more on black or gray makikita mo. Sa lahat ng house tour palaging beige or white.”

@kathryng8696: “Ito yata yung relaxing, may worth at may sense ang pagkagawa ng bahay as sikat na vlogger. Tama lahat [ng] sinabi niya, hindi kailangan sobrang malaki. Ganda ng bahay.”

@ElvieFukuda: “Grabe, super elegant! Parang mga mayayamang bahay ng mga japanese style.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.