Team Payaman’s Dudut Lang Levels Up Crocodile Meat in Latest Vlog

Isa na namang kakaibang lutuin ang hatid ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kanyang pinakabagong vlog kung saan ipinamalas niya ang galing sa pagluluto gamit ang kakaibang sangkap.

Sa pagkakataong ito, tatlong putahe gamit ang karne ng buwaya ang kanyang niluto gaya ng Kebab, Kilawin, at Crocodile Gumbo.

Three Crocodile Dishes

Sa kanyang pinakabagong vlog, sinubukan ng Team Payaman vlogger na si Dudut ang kakaibang hamon sa kusina gamit ang hindi pangkaraniwang sangkap. Ipinakita niya ang mga hiwa ng karne ng buwaya kabilang ang tenderloin, leeg, at pati na rin ang buntot nito. 

Ayon kay Dudut, plano niyang gawing ‘kebab’ ang tenderloin at leeg, habang kilawin naman ang gagawin sa buntot. Sinimulan niya ang Kebab sa pamamagitan ng paghalo ng sibuyas, bawang, at yogurt, kasabay ng ilang spices gaya ng turmeric at calamansi juice.

Ipinaliwanag din ni Dudut na legal kainin ang karne ng buwaya at marami na ring bansa ang gumagamit nito sa kani-kanilang mga putahe.

“Unang una, nga pala… baka isipin niyo na hindi pwedeng kainin ng buwaya. Marami nang lugar ang kumakain ng buwaya. Ngayon, gusto ko lang i-try,” ani Dudut sa kanyang vlog.

Habang hinihintay maluto ang kebab, sinimulan naman ni Dudut ang Kilawin gamit ang buntot ng buwaya. Ibina­bad niya ito sa suka, at hinaluan ng luya, sibuyas, sili, at calamansi juice upang makamit ang tamang balanse ng asim at anghang.

Matapos tikman, inilarawan ni Dudut ang kilawin bilang masarap at maasim,” habang ipinakita ang tamang paraan ng pagbabad at paghahalo ng mga sangkap.

Bilang panghuli, niluto ni Dudut ang Crocodile Gumbo gamit ang leeg ng buwaya. Dito, ipinaliwanag niya na mas mataas ang water content ng karne ng buwaya kaya mas matagal itong mag-brown. 

Gumamit siya ng roux, sibuyas, bawang, celery, okra, bell peppers, sausage, at shrimp cubes upang makabuo ng makapal at malinamnam na sabaw.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinakita ni Dudut ang tatlong natapos na putahe na kinabibilangan ng Kebab, Kilawin, at Crocodile Gumbo. Bagama’t inamin niyang medyo matigas at tuyo ang karne, sinabi ni Dudut na masarap pa rin ang kinalabasan ng kanyang luto.

Netizens’ Comments

Samantala, may ilang manonood na nagulat sa kakaibang putahe ni Dudut, habang ang iba ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagkain ng karne ng buwaya.

@BabyBread09: “Kilawin???!!! Nai-imagine ko para kang kumain na hilaw na butiki.”

@francisjamesrodriguez4479: “I think si kuya Dudut ay ang Ninong Ry chill version.”

@DinahBng: “Legit! Masarap meat ng Crocodile. Nakatikim ako sa Palawan ng Sisig Crocodile. Nabili namin mismo sa Crocodile Farm.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.