Matapos ang sunod-sunod na trabaho at mga gawain, naglaan ng oras ang Iligan-Velasquez family upang makapagpahinga at mag-enjoy sa pamamagitan ng isang quick getaway.
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang masasayang pasilip sa kanilang dalawang araw na staycation kasama ang asawa niyang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, at ang kanilang mga anak na sina Von Maverick at Alona Viela.
Bago ang kanilang bakasyon, naglaro muna ang mag-asawa na sina Vien at Junnie ng pickleball sa Playhouse Pickle.
Pagkatapos ang kanilang sports bonding, dumiretso ang dalawa sa isang kilalang hotel sa Makati City para sa kanilang staycation.
Napili nila ang nasabing lugar dahil sa kumpleto nitong amenities tulad ng kitchen tools, washing machine, oven, at coffee maker.
Sa kanilang unang gabi, nagdesisyon sina Vien at Junnie na magpahinga muna nang silang dalawa lamang upang makapag unwind.
Kinaumagahan, maagang nagising si Vien para sa breakfast buffet, habang nagpa-ventosa spa session naman si Junnie.
Pagkatapos nito, agad na sumunod sina Mavi at Viela matapos ang kanilang eskwela upang ipagpatuloy ang bonding ng kanilang pamilya.
Kasama sa kanilang mga aktibidad ang pamimili sa mall kung saan nag-enjoy sina Mavi at Viela sa kanilang pamamasyal.
Sa kabila ng pagod, bakas pa rin sa mukha nina Vien at Junnie ang kasiyahan habang pinapanood ang mga anak nilang nag-eenjoy.
Pagdating ng hapon, nagtungo sila sa pool area upang lumangoy. Kahit maulan, hindi ito naging hadlang sa kanilang kasiyahan.
Si Mavi ay agad na lumusong sa tubig, habang si Viela ay may mga cute na dramatic moments bago sumama sa bonding ng kanilang munting pamilya.
Hindi rin napigilan ni Mavi na ipakita ang kaniyang labis na kasiyahan sa kanilang bonding moments dahil naging bukas siya na sabihin na masaya siya at mahal niya ang kanyang mga magulang na siyang ikinatuwa ni Vien.
“You are my favorite Mommy!” mensahe ni Mavi sa kanyang ina.
“Daddy, you are my favorite daddy. Everyone I love!” dagdag pa n’ya.
Watch the full vlog below:
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.