Clouie Dims Shares Snippets of Her Recent Siargao Trip

Talagang mas pinasaya ang pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims dahil ibinida niya ang kanyang makulay na Siargao adventure.

Tampok sa kanyang travel vlog ang masarap na food trip, coffee dates, masayang selebrasyon ng Siargao fiesta, at ang kanilang paglalaro ng pickleball.

5 Days of Island Fun

Para samahan siya sa kanyang paglalakbay, kasama ni Clouie ang ilang Team Payaman girl members at kanya ring travel buddies na sina Pat Pabingwit at Jopearl Abad at ang kilalang content creators na sina Marvin Fojas at Jai Asuncion. 

Sama-sama binuo ng grupo nina Clouie ang limang araw na paglilibot sa nasabing isla.

Mas naging exciting naman ang kanilang mini vacation dahil sinubukan ng grupo ang budget-friendly trip challenge kung saan sa loob ng limang araw, nagdesisyon silang gumastos lamang ng ₱5,000 bawat isa.

“Itong Siargao na to, sinasabi ko sainyo… this will be a budget-friendly kasi ‘yung mga kasama ko ay budget-friendly!” pahayag ni Clouie.

Pickleball in Siargao

Kahit na nasa isla at nagbabakasyon, hindi pa rin pinalampas ni Clouie ang paglalaro ng pickleball na siyang kasalukuyang kinagigiliwan laruin ng Team Payaman.

Sa kaniyang vlog, ibinahagi niya ang kanyang paglalaro kasama ang lokal na grupo. 

“Nandito tayo ngayon sa G Sport Pickleball at nakalaro natin ang mga [taga-] Siargao Pickleball Club! ‘Yung mga nakalaro ko, hindi sila basta-basta dahil mga champion ‘yan!” pagbabahagi niya, at dagdag pa niyang babalik siya sa nasabing court dala ng sobrang saya.

Bukod sa sports, tampok din sa nasabing vlog ang mga kaganapan sa Siargao Fiesta kung saan nagkaroon sila ng UNLI food trip at karaoke experience kasama ang mga nakatira sa nasabing probinsya.

Maraming netizens ang natuwa sa kanyang vlog. Komento ng isang tagasubaybay, “It’s nice seeing you become more fit and take care of your body. Keep it up and stay happy lang Clouie!”

Dagdag pa ng isang Team Payaman fan, “Sana po pag balik nyo ng Siargao, kumpleto na ang TP at sana makita ko kayo!”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.