Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Recent Fun Adventures

Masaya at puno ng bonding ang bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez kasama ang asawang si Junnie Boy at kanilang mga anak.

Samahan ang pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang eye check-up routine at sa kanilang unang karanasan sa panonood ng circus na naghatid ng masayang alaala sa buong pamilya.

Velasquez Fam Bonding

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez na matagal nang may problema sa paningin ang kanyang asawa na si Junnie na nagdudulot ng pananakit ng ulo at hirap sa paglalaro ng bola.

Sa kanilang pagbisita sa isang optical store, kasama rin sa check-up ang kanilang mga anak na sina Kuya Mavi at Alona Viela. 

Ayon kay Mommy Vien, gumagamit ang mga bata ng anti-radiation at blue light glasses na angkop para sa screen time.

Habang pumipili ng eyewear, pinakita ng pamilya ang kahalagahan ng tamang pagpili ng salamin ayon sa edad at pangangailangan. Pinili ni Mommy Vien ang kanyang sunwear habang si Daddy Junnie ay sumubok ng pang-matandang na salamin. 

Para sa mga bata, si Kuya Mavi ay nakapili ng salamin na may sun protection at pang-screen time, samantalang si Viela ay may kid-friendly na eyewear. 

Binanggit ni Mommy Vien ang kahalagahan ng proteksyon sa mata ng mga bata, lalo na sa mga pamilyang may history ng malabong paningin.

Matapos ang eye check-up, nagtungo ang pamilya Iligan-Velasquez sa Euro Xtreme Circus para sa kanilang kauna-unahang circus viewing experience. 

Bagamat nagulat at medyo natakot si Kuya Mavi sa ilang bahagi ng palabas, agad siyang napakalma ng kanyang  Daddy Junnie.

Nakilahok din sina Mommy Vien at Daddy Junnie sa ilang circus activities, kabilang ang paglapit sa mga clowns at pagiging bahagi ng ilang performances, na nagbigay sa kanila ng kakaibang karanasan sa gitna ng maraming manonood.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang namangha sa masayang samahan ng pamilya Iligan-Velasquez na nagbigay inspirasyon sa marami.

@maejoyisugan: “Huhu to have parents like Junnie and Vien.”

@Warvyolvido-fc7sf: “Thank you, Vien, for sharing these wonderful moments. Big boy na talaga si Mavi at si Viela boo. So pretty. God bless you and your family.”

@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team JunnieVien!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

24 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.