Muling nagbabalik ang mas pinaganda at mas pina-level up na ‘The Viyllage Show’ ni Viy Cortez-Velasquez tampok ang ilan sa mga sikat na content creators sa bansa.
Sa kanyang bagong vlog, nagsama-sama ang apat na kilalang content creator groups na Capinpin Brothers, ToRo Fam, Kolokoys TV at Team Payaman para sa isang kompetisyong may premyong kalahating milyong piso.
Sa pangunguna ni Chino Liu, a.k.a. ‘Auntiiihhh’ bilang game master, binuksan niya ang programa sa pamamagitan ng isang makulay na introduksyon kung saan ipinakita ang mas pinalaking set ng ‘The Viyllage Show.’
Unang ipinakilala ang ToRo Fam na pinangunahan nina Tonimari Fowler, a.k.a. Mommy Oni, Vince Flores, a.k.a. Tito Vince, kasama ang mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail. Sinundan ito ng Capinpin Brothers sa pamumuno ni Gavin Capinpin, a.k.a. Ser Geybin.
Kasunod ang Kolokoys TV na pinangungunahan ni Joel Ravanera, a.k.a. Malupiton, at hindi rin nagpahuli ang Team Payaman na kinabibilangan nina Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, at Viy Cortez-Velasquez.
Ang apat na grupo ay naglaban-laban para sa pagkakataong manalo ng P500,000 at makapili ng charity na kanilang mapagkakalooban ng donasyon. Bukod dito, magbibigay din si Viy ng karagdagang P100,000 para sa mapipiling benepisyaryo ng mananalo.
Ipinaliwanag ni Chino ang mechanics ng laro na binubuo ng walong kategorya tulad ng “Ang Dali Lang Eh!”, “Eto Na Nga!”, “Kantanga!”, “Dapat Alam Mo!”, “Viral!”, “Dito-dito Lang!”, “Ano ‘To, Beh?!”, at “Reyal o Fakeh.”
Bawat kategorya ay may iba’t ibang halaga ng premyo mula P2,500 hanggang P15,000, at may mga special tasks at dual edition questions na nagbibigay ng swap score power kapag matagumpay itong nagawa.
Sa pagtatapos ng unang bahagi ng show, nangunguna ang Team Payaman sa halagang P47,500, sinundan ng Capinpin Brothers na may P15,000. Samantala, bumaba sa negative P10,000 ang Kolokoys TV at negative P35,000 naman ang ToRo Fam.
Bagama’t wala pang opisyal na nanalo, inaasahan ng mga manonood ang susunod na bahagi ng The Viyllage Show kung saan tuluyang malalaman kung sino ang mag-uuwi ng tagumpay at makakapili ng charity na susuportahan.
Samantala, marami ang natuwa at humanga sa episode ng The Viyllage Show, kung saan kapansin-pansin ang mataas na production value, ang presensya ni Chino, at ang saya ng collaboration ng mga kilalang vloggers na nagbigay ng walang humpay na good vibes.
@Mae-s1k: “Grabe production ng mga vloggers ngayon. Hinihigitan pa ang mga TV shows. Nakakaaliw tapos limitless pa ang good vibes na binibigay niyo.”
@Lyza-h4c: “Ang laki talaga ng role ni Chino sa mga vlogs, lalo na sa channel ni Viy. Sobrang galing!”
@KennethMayo-b2k: “Part 2!! Sobrang sarap panoorin. Puro tawa. Waiting sa Part 2!”
@PeanutChereret: “Grabe lakas! Napagsama-sama lahat ng malalaking influencers in just one frame!”
@princessedgelolayta1612: “Part 2 agad agad!! Grabe bitin. Super saya ng show na ‘to!”
Watch the full vlog below:
Sa latest YouTube vlog ng Team Payaman member na si Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a Abi, ipinakita…
Last October 10, Mountain Dew Philippines officially released the limited edition Luchador Figures featuring Team…
Isa na namang masayang food trip ang hatid ng vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a…
Talaga namang na-achieve na ni Aaron Macacua, o mas kilala bilang Burong ng Team Payaman,…
The holiday season is off to a cheerful start as the Viyline MSME Caravan brings…
Makalipas ang anim na buwan sa huling upload kasama ang mga kaibigan, tampok sa pinakabagong…
This website uses cookies.