Alex Gonzaga-Morada Explores Manila’s Newest Food Trip Spot

Isa na namang masayang food trip ang hatid ng vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex G, kasama sina Donita Nose, Divine Tetay, at mister n’yang si Mikee Morada.

Silipin ang mga masasarap at pasok sa budget na food recos mula sa pinakabagong food trip spot na matatagpuan lamang sa Sampaloc, Manila.

P. Noval’s Fusion Alley

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Alex Gonzaga-Morada ang pinakabagong pinipilahan hindi lamang ng mga estudyante, kung hindi pati na rin ng mga mahilig sa food trip.

Nagtungo sina Alex sa P. Noval St. na matatagpuan sa Sampaloc, Manila, upang personal na matikman ang mga pagkaing handog ng ‘Fusion Alley.’

Ang nasabing night food market ay nakapwesto sa tapat lamang ng University of Santo Tomas at bukas mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-dose ng madaling araw.

Hindi na pinatagal ng grupo nina Alex ang kanilang paghahanap ng makakain. Una na nilang tinikman ang sikat na chicken feet, o mas kilala sa bansag na ‘adidas.’

Ilan rin sa kanilang mga natikman ay Samyang omelette, potato fries, sliders, sweet corn, tiramisu cake, tapang kabayo, tofu squares, at marami pang iba.

Hindi maipagkakaila na bukod sa enjoy ang grupo nina Alex, na-satisfy rin ang kanilang street food cravings.

Upang matulungan ang mga small business owners sa nasabing lugar, nanlibre si Alex ng mga mamimili ng halagang P10,000 sa bawat food stall na kanilang napuntahan.

Labis naman ang tuwa ng mga business owners sa inisyatibong ginawa ni Alex na nakatulong sa kanilang mga negosyo.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagutom at natuwa sa kasiyahang hatid nina Alex, Mikee, Donita, at Tetay.

@randomdeserved: “Grabe, one of the best collab ni Alex G. This year, wala silang tapon, havey lahat!”

@WarlordRemorosa: “The best talaga si Alex pag nagfo-foodtrip. Nanlilibre din sa iba. Magandang tularan [ang] nagse-share ng blessings n’ya kaya lalong pinagpapala.”

@misscamay: “The genius of Alex is that she can connect and get along with anyone so quickly, making everyone feel comfortable around her no matter their gender, social status, political beliefs, religion, or even opposing moral standards. She’s not picky; she’ll easily share food, forks, or straws with anyone.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.