Sa latest YouTube vlog ng Team Payaman member na si Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a Abi, ipinakita niya ang mga karaniwang tagpo sa araw nila ng kanyang asawa na si Kevin Hermosada.
Isang chill at heartwarming episode na puno ng real-life moments mula sa simpleng umaga hanggang sa gabi ng samgyup bonding kasama ang ilang Team Payaman members ang ibinahagi ng Hermosada couple.
Sa unang bahagi ng vlog, ipinakita ni Abi ang kanyang paghahanda ng kanilang simpleng almusal na itlog, ginisang ampalaya, at luncheon meat.
Habang si Kevin naman ay bumili ng taho, na agad nilang pinagsaluhan kasama ang kanilang adorable furbaby na si Taeki.
Pagkatapos kumain, dinala nila ang kanilang furbaby na si Taeki sa grooming shop upang malinis ito bago dumiretso sa kanilang photo shoot.
Sa nasabi ring vlog, ibinida rin ni Abi ang mga tagpo sa nagdaang Team Payaman Fair: VIYond The Beat photoshoot.
Mula sa pet grooming, dumiretso sina Abi at Kevin sa set shoot para sa nalalapit TP Fair. Ilang behind-the-scenes snaps din ang ibinahagi ni Abi sa kanyang mga manonood.
Matapos ang shoot, ipinasilip din ni Abi ang kanilang pagbisita sa Congpound upang makipag kwentuhan sa ilang Team Payaman members.
Watch the full vlog below:
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…
Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…
This website uses cookies.