Doc Alvin Francisco Reveals the Hidden Truth Behind Your “Healthy” Favorites

Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang pagkain?

Kung oo ang iyong sagot, hatid ngayon ng resident Team Payaman medical professional na si Doc Alvin Francisco ang ilang katotohanan sa likod ng inyong mga paboritong ‘healthy’ foods.

The Real Deal

Sa pinakabagong vlog upload ng resident doctor ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco, kanyang binigyang linaw ang tunay na sustansyang hatid ng mga ‘healthy’ foods na ngayo’y kinagigiliwan ng mga Pinoy.

“Alam n’yo po ba na ‘yung oatmeal, hindi talaga ‘yan healthy?” panimula ni Doc Alvin.

Una nang isiniwalat ni Doc Alvin na bagamat nakasanayan na ng mga Pilipino na maganda sa puso ang oat, may hatid pa rin itong panganib sa kalusugan.

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Doc Alvin na maging ang granola bars, ay naglalaman ng mataas na asukal at mga kemikal na s’yang maaaring maging sanhi ng malubhang karamdaman.

Ang iba pang mga ‘healthy’ food options gaya ng yogurt, salad, vegetable chips, fruit juices, at low fat milk ay nakakasama rin kung ito ay kakainin ng sobra sa nakatakdang halaga kada araw.

Payo ni Doc Alvin, ugaliing bawasan ang dami ng asukal o hindi kaya’y bawasan ang dami ng dressings ng inyong mga salad upang mapanatili ang sustansya nito.

Eat with Moderation

Nilinaw naman ni Doc Alvin na hindi kailanman ipinagbabawal ang pagkain ng kanyang mga nabanggit. 

“Ang mga pagkain na ito ay hindi po masama. Hindi po s’ya dapat tanggalin sa ating diet. Pwede pa rin po ‘yang kainin basta balanse,” payo n’ya.

Aniya, pwedeng pwede pa rin mag-enjoy at i-satisfy ang inyong cravings ngunit kinakailangan na maging maingat sa dami at uri ng pagkaing kakainin.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.