Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang masasayang moments kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman.
Sa panimula ng kanyang vlog, ibinida ni Steve Wijayawickrama, ang kaniyang temporary sticker tattoo.
Buong tuwa niyang ikinuwento na nakatulog siya habang inilalagay ito, at hindi inaasahang napunta pa ito sa kanyang mukha.
May biro rin tungkol sa kulay ng tattoo na lalabas lamang matapos ang 48–72 oras, na nagdagdag ng kulitan sa loob ng content creator house sa Congpound.
Matapos ang usapin tungkol sa tattoo, lumipat naman ang kwentuhan ng TP boys sa paglalaro ng Pickleball nang mag-komentaryo sila ni Steve sa laro ng kanilang kapwa TP members.
Tampok dito ang mga epic moves gaya ng tinawag nilang “scorpion hit” mula kay Vien Iligan-Velasquez a.k.a. Scorpion Queen, at sina Pat Velasquez-Gaspar at Clouie Dims, ang defending champions ng laro.
Nagbiruan din sina Burong, Steve, Dudut, at Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, habang kanilang pinaguusapan kung paano nga ba maging isang kontrabida.
Ipinakita ni Chino ang iba’t ibang lebel ng pagiging kontrabida, una na sa lebel ng kanyang pagsampal kay Burong.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
This website uses cookies.