Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube vlog ang kanyang proyekto na naglalayong magbigay suporta sa mga kabataang nais mag-aral ng medisina.
Sa gitna ng kakulangan sa mga doktor sa bansa, nais ni Doc Alvin na tulungan ang mga kabataang may pangarap maging doktor ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal.
Sa unang bahagi ng kanyang vlog, ipinaliwanag ni Doc Alvin Francisco ang malalim na problema ng Pilipinas pagdating sa kumukonting bilang ng mga doktor.
Ayon sa World Health Organization (WHO), dapat ay isang doktor lamang ang tumitingin ng 10,000 pasyente. Ngunit sa Pilipinas, umaabot hanggang 30,000 pasyente ang kailangang asikasuhin ng bawat doktor. Dahil dito, maraming Pilipino ang nahihirapang makakuha ng tamang atensyong medikal.
Dagdag pa ni Doc Alvin, malaking hadlang din ang gastusin para makapag-aral ng medisina. Tinatayang aabot ng hanggang dalawang milyong piso ang kabuuang gastos upang makapagtapos bilang doktor. Kaya naman, anim sa bawat sampung pre-med graduate ang hindi na nakakapagpatuloy sa medical school dahil sa kakulangan ng pondo.
Bunsod nito, ipinakita ni Doc Alvin sa kanyang vlog ang kanyang proyekto kung saan dalawang estudyante ang matutulungan niyang makapag-aral nang libre. Kasama rito ang libreng tuition fee, tirahan, at pagkain.
Para kay Doc Alvin, personal ang misyon na ito dahil siya mismo ay nakaranas ding maging scholar noon. Aniya, hindi siya makakapagpatuloy sa medisina kung walang tumulong sa kanya, kaya nais niyang ipasa ang parehong oportunidad sa iba.
“Personally, malapit din sa puso ko itong content na ito. Gustong-gusto ko talaga tumulong at makapagpaaral din ng scholars kasi previously, isa din po akong scholar. Hindi rin po makakapag-proceed as Doc Alvin, as a doctor, kung walang tumulong sa akin,” kwento ni Doc Alvin sa kanyang vlog.
Kasabay ng kanyang pagbabalik-tanaw, ibinahagi rin ni Doc Alvin ang kanyang pagbisita sa Gullas College of Medicine sa Cebu City.
Dito, ipinakita niya ang mga pasilidad ng paaralan at kinausap ang ilang opisyal hinggil sa kanilang scholarship program na naglalayong suportahan ang mga estudyanteng nais maging doktor.
Sa pamamagitan ng vlog na ito, hindi lamang naipakita ni Doc Alvin ang modernong pasilidad at oportunidad sa loob ng Gullas College of Medicine, kundi lalo niyang naipadama ang kahalagahan ng pagtutulungan upang makapagbigay-daan sa mas maraming kabataan na makamit ang kanilang pangarap na makapagsilbi bilang doktor sa hinaharap.
Samantala, maraming netizens ang naantig sa inisyatiba ni Doc Alvin, nagpahayag ng paghanga sa kanyang dedikasyon na tulungan ang kabataang Pilipino na maabot ang pangarap nilang maging doktor.
@vonrannielticling1533: “Congratulations scholars/future doctor! Congratulations din, Doc Alvin! Patuloy kang pagpalain ni Lord in all aspect of life, Doc.”
@UKRN85: “Hello, Doc Alvin. Nakakaproud po ‘yung ginagawa niyo. May narinig po ako about ‘being impressed vs. being involved’ This is what it actually means to be involved, reaching out at mabago po ‘yung buhay ng ibang tao. You are an inspiration!”
DereckTorres-k2c: “Big congratulations para kina ate Maybel at kuya dahil silang dalawa ang mapalad na mabibigyan ng Doc Alvin Scholarship Foundation. Keep it up po sa inyong dalawa.”
@Shinebright07-c9m: “Wow, Doc. Nakakaiyak po, salamat po sa tulong, Doc. Sana marami ka pa pong natulungan, Doc. God bless you po!”
@juliethernandez4984: “Ang ganda ng school nila. Very advanced. Doc Alvin, salute to you. Sa mga scholar mo. I hope someday maging magaling silang Doctor at mabait din po.”
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…
Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…
Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…
Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…
Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…
Just recently, Viy Cortez-Velasquez and Ivy Cortez-Ragos’ clothing line — Ivy’s Feminity — released a…
This website uses cookies.