Yow Andrada Reflects on Passion, Creativity, and Finding One’s Self

Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon sa gitna ng mabilis na pagbabago sa paligid at sa mundo ng content creation.

Tunghayan ang mga inspiring life lessons na hatid ng naturang Team Payaman member. 

Music, Videos, and Life Updates

Sa kanyang bagong vlog, nagbahagi si Yow Andrada ng updates tungkol sa kanyang musika at mga video projects.

“Wala lang, share ko lang. Siguro naman nakita nyo na rin yung lyric video na pinost ko dito sa channel na to,” aniya. 

Bagama’t wala itong direktang koneksyon sa isa’t isa, malinaw na mahalaga sa kanya ang maibahagi ang journey at achievements niya sa mga manonood.

“Sa dami ng nangyayari, minsan nakakalimot tayo kung saan tayo papunta. Kaya mahalaga na balikan mo ang mga bagay na nagbibigay sayo ng sense of direction,” dagdag niya.

Finding Yourself Amid Chaos

Isa sa mga punto ng vlog ay ang kanyang iniisip patungkol sa importansya ng pagtigil at repleksyon. 

“Kailangan talaga natin balikan yung mga bagay na nagbibigay sa atin ang sense of direction. Kumbaga sa compass, kailangan natin tumingin ulit kung saan nga ba tayo papunta,” paliwanag ni Yow.

Sa kabila ng mga distractions at pressure, na-realize niya na mahalaga ang tanungin ang sarili: “Eto pa talaga ang gusto ko? Ginagawa ko ba ito kasi mahal ko, o kasi kailangan lang?”

Para kay Yow, ang passion ang laging nagbabalik sa kanya sa kanyang roots, sa paggawa ng videos, musika, at kwento. 

Kahit ilang ulit akong maligaw, kahit ilang beses akong huminto, babalik at babalik pa rin ako kung saan nagsimula ang love ko sa silid, sa salita, sa tunog, o sa kwento,” aniya.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

16 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.