Mommy Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Go on a Fun Food Trip Bonding

Hindi lang tiyan ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Viy Cortez-Velasquez at Kidlat ang masaya, dahil busog din ang mga manonood sa recent food trip bonding ng dalawa.

Tunghayan ang mga nakakatuwa at cuteness overload na mga tagpong hatid nina Mommy Viy at Kidlat sa kanilang bagong branded content upload. 

Kidlat’s Day Out

Sa recently-uploaded Facebook reel ng Team Payaman content creator na si Viy Cortez-Velasquez, kanyang isinama ang panganay na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kidlat, para sa isang food trip bonding.

Dahil busy si Daddy Cong sa kanyang agendas, mother-and-son bonding muna ang hatid nina Mommy Viy at Kidlat.

“Since si Kidlat masarap na s’yang isama sa mga restaurant, masarap na s’yang ka-mukbangan. ‘Yun ‘yung pangarap ko dati,” kwento ni Viviys.

Nagtungo ang dalawa sa Chili’s Restaurant sa Alabang Town Center upang kumain ng pananghalian.

Hindi pa man nailalagay sa hapag-kainan ang kanilang mga order, abot tenga na ang ngiting hatid ni Kidlat dala ng pagkagalak.

Gaya ng kanyang Mommy Viy, game na game ring pumili si Kidlat ng kanyang kakainin mula sa menu.

Ilan sa kanyang mga top picks ay ang french fries, chicken, at mango juice —na s’ya ring sinubukan ni Viviys.

Nang dumating na ang kanilang mga order, agad na tinikman ng mag-ina ang iba’t-ibang putaheng inihandog ng nasabing restaurant.

Hindi na rin nagkamayaw si Kidlat sa pagtikim ng kanyang mga nirequest na pagkain sa kanyang Mommy Viy.

Funny Comments

Samantala, marami sa mga nakapanood ang naaliw sa kakulitan at kakaibang bonding hatid nina Mommy Viy at Kidlat.

Clara Cabales: “Ang cute naman po ni Kidlat, at alam niya ang pwede sa hindi pwede. Very good Kidlat! God bless po madam”

Anjz Eline: “OMG, Kidlat! Why you so cute little pogi? Gustong gusto ko talaga tong cute boy na to eh, waiting for your vlog baby!”

Ja Custodio: “Cong na Cong ang mukha ni Kidlat pero yung ugali parang namana kay Viviys hahaha!”

Lisa Yonzon-Fukushima: “Cute naman ni Kidlat, may manners. And he knows how to speak TAG-LISH!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.