Viy Cortez-Velasquez Brings Laughter in New ‘Sugod Nanay Gang’ Series

Bagong YouTube series ang hatid ng Team Payaman PAAWER vlogger na si Viy Cortez-Velasquez matapos niyang ibahagi ang kauna-unahang episode ng kanyang bagong YouTube serye na pinamagatang ‘Sugod Nanay Gang’ Celebrity Edition.

Kilalanin ang kanilang first-ever guest at tunghayan ang mga nakakatuwang tagpo sa kanilang kauna-unahang episode.

‘Sugod Nanay Gang’ Celebrity Edition

Isang nakakatuwang serye ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang kanyang kapwa hosts na sina co-hosts Mommy Pat Velasquez-Gaspar, a.k.a. ‘Nanay Lameg,’ at Tita Krissy Achino a.k.a, ‘Manang Kali.’

Sa bawat episode ay mag-iimbita sila ng isang ‘Celebrity Mom’ upang sugurin sa kanilang mga tahanan at kanila itong uusisain tungkol sa kanilang motherhood journey.

Para sa unang episode, soon-to-be momma influencer na si Bea Borres ang kanilang unang sinugod. Nakapanayam siya nina Viy, Pat, at Krissy, nagkaroon ng short house tour, chikahan, tawanan, at masayang mukbang bonding.

Binigyan din nila Viy at Pat ng pagkakataon si Bea na magtanong ng mga must-knows bilang first-time mommy. Pinag-usapan nila ang iba’t ibang motherhood matters katulad ng mga hamong kinakaharap ng isang ina pagdating sa pagbubuntis.

Walang katapusang tawanan naman ang naganap dahil sa kanilang kulitan sa simula hanggang sa matapos ang show. “Baliw pala talaga sila!”  biro pa ni Bea.

Para sa mas masarap na chikahan, pinagsaluhan naman nila ang pregnancy cravings ni Bea sa pamamagitan ng isang mukbang. 

Sa gitna ng kanilang masarap na pagsasalo-salo, ibinahagi naman ng kanilang first-ever guest na soon-to-be mother ang pasasalamat sa Sugod Nanay Gang. 

“Actually, I’m happy. Kasi honestly, ngayon nasa house lang ako… so super na-appreciate ko po talaga ‘yung nag vi-visit sa akin, especially ‘yung mga nagbibigay ng advices tapos galing pa sa mga mothers. Sa mga ganitong times po talaga, nakaka-feel ako ng love. Sobra ko po kayong na-appreciate. Kaya thank you po sa pag-sugod,” ani Bea.

Netizens’ Praises

Talaga ring nakuha ang atensyon ng netizens matapos nilang mapanood ang unang episode ng Sunod Nanay Gang serye ni Viviys.

@JohnLloydLayosaVilla: “Tawang tawa ako sa series na ito. Sana naman may mga sunod pang episodes!”

@AngelikaMayAlvarez: “SUPER GOODVIBES!!! Sana may mga next episodes pa ‘to. Almost 1 week na akong sad and then last night me and my bf broke up knowing na I’m 4 months pregnant. Thank you Ate Viy, Ate Pat, Chino and Bea B! Super napasaya niyo ako sa content na ‘to!”

@fatimaaguilar5970: “HAHAHAHAHAHAHA grabe yung energy consistent from start to finish!”

@meryllhernandez7157: “Sana may kasunod pa ito dami kong tawa grabe! Thank you for this vlog!”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.