Yow Andrada Reflects on His Passion for Music in Latest Vlog

Muling nagbigay ng inspirasyon si Yow Andrada matapos niyang ibahagi ang kakaibang pagsasama ng talento at personal na karanasan sa larangan ng musika.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita niya hindi lamang ang kanyang performance kundi pati ang mas personal na kuwento sa likod ng kanyang kaba, inspirasyon, at paglalakbay bilang isang artist.

Yow’s Musical Journey

Sa unang bahagi ng vlog, inamin ng Team Payaman vlogger na si Anthony Jay Andrada, a.k.a. Yow, na matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumugtog sa harap ng madla. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa entablado, kung saan palaging kaakibat ang matinding kaba.

Gayunpaman, ang paulit-ulit na kilig at excitement na dala nito ay tanda ng patuloy niyang pagmamahal sa musika—isang pakiramdam na inilarawan niyang parang ‘unang pag-ibig.’

“Hindi ko alam bakit ako kinakabahan parati. Parang, first time palagi. Pero I guess, that’s part of it. Ibig sabihin lang siguro, mahal ko pa rin yung ginagawa ko. Kahit ilang beses mo nang ginagawa, may kilig pa rin. May thrill. Parang, unang pag-ibig,” ani Yow sa kanyang vlog.

Bukod dito, nagbalik-tanaw si Yow sa kanyang unang gitara, isang itim na lumanog na binili ng kanyang ina sa Santa Mesa. Bagamat simple at abot-kaya, para kay Yow ito ay tila isang propesyonal na instrumento.

Ang unang piyesang natutunan niyang tugtugin ay ang ‘Crazy For You’ ng Sponge Cola, na halos araw-araw niyang inaawit sa tapat ng kanilang bahay—na ang mga nakikinig ay kapitbahay at dumaraang tricycle.

Mula sa simpleng simula, ikinuwento rin ni Yow ang kanyang mga naging tagumpay sa paglipas ng panahon tulad ng pagtugtog sa Wish Bus 107.5, pagtatanghal sa Cozy Cove sa Baguio, at ang kamakailang pagbahagi ng kanyang bagong single na ‘Because’ sa Eagle FM 95.5.

Isa sa mga lumang awiting naitago niya ay ang ‘How,’ na nagsisilbing simbolo ng kanyang mga dating pangarap na ngayo’y natutupad. 

Ayon kay Yow, marahil ang patuloy niyang kaba sa bawat pagtatanghal ay dulot ng katotohanang ang mga dating imahinasyon lamang sa klase ay unti-unti nang nagiging reyalidad.

Sa kanyang pagninilay, binigyang-diin din ni Yow ang mas malaking papel ng musika—hindi lamang ito libangan kundi isa ring makapangyarihang plataporma ng pagpapahayag. 

Sa kasaysayan man o sa araw-araw na buhay, may kakayahan ang musika na magbigay ng emosyon, maghatid ng ginhawa, at magbigay ng tinig sa mas malalaking kilusan.

“Art and music are really part of history, culture, and even justice,” ani Yow.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, nilinaw ni Yow na sa kabila ng paulit-ulit na kaba, patuloy siyang kakanta at tutugtog. Para sa kanya, ang musika ay hindi lamang isang bagay na ginagawa, kundi isang bagay na siya mismo ang kumakatawan.

Netizens’ Comments

Samantala, bumuhos ang papuri mula sa mga manonood na nag-iwan ng komento upang ipahayag ang kanilang paghanga at suporta kay Yow.

@noelgarcia5457: “Iba ang pyesa ni Yow kapag walang kalokohan. ‘Yung humor [at] natural talent. Solid!”

@kaibigangmunti: “Sobrang solid talaga nung ‘How,’ Waldo. Kaya salamat sa’yo dahil tinago mo ‘yon at hinayaan mo kaming marinig.”

@frnc2654: “Napakaganda ng likha [mo] Boss Yoh. Suporta lang sa’yo palagi.”

@itzMeKaloy: “Nice, another informative for today’s video, Waldo. May mga idea ka talaga na akala mo ikaw lang nakakaintindi kasi pinagtatawanan ka, pero ito ka ngayon, pinapakinggan ka ng madla na nakaka-relate sa ideas mo. Hands up sa’yo, Waldo.”

@deatherami: “Keep it up with this kind of content, please.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Here’s How You Can Level Up Your Baon with King Sisig in a Jar

We get it! Thinking about what to bring to work or school every day can…

2 hours ago

Now Available: New Ivy’s Feminity Hoodie Collection for Men and Women

Almost a year after announcing its rebranding from being a women-focused clothing line to a…

2 hours ago

Velasquez Fam Cheers On Mavi’s First Swimming Competition

‘Team No Sleep’ pero full support! Ganito sinimulan nina Mommy Vien Iligan-Velasquez at ng buong…

1 day ago

A Tasty Treat Awaits Shoppers at Viyline MSME Caravan in SM City Masinag

The ‘ber’ months are here, and with Christmas just around the corner, it’s never too…

1 day ago

EXCLUSIVE: Team Payaman Fair 2025: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Sale

This year, the most anticipated influencer-gathering event of the year goes beyond the borders of…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

4 days ago

This website uses cookies.