Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla matapos ibahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang ika-anim na buwang milestone ng kanyang bunsong anak.

Sa espesyal na selebrasyon, tampok ang makulay na photoshoot na hango sa Disney film na ‘Moana’, na nagpapakita ng adorable bonding ng magkapatid sa kanilang creative costumes.

‘Little Voyager’

Bilang pagdiriwang ng ika-anim na buwan ng bunsong anak nina Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Baby Ulap Patriel, isang espesyal na Disney-themed photoshoot ang inihanda ng mag-asawa para sa kanilang anak.

‎Sa isang Facebook post, ibinida ni Mommy Pat ang mga larawan mula sa The Baby Village Studio na may temang hango sa karakter ni ‘Maui’ mula sa pelikulang ‘Moana’, kung saan makikita si Baby Ulap na suot ang costume ng naturang demigod habang nakaupo sa harap ng island backdrop.

“Our little voyager is 6 months old! Sailing through milestones just like Maui from Moana—strong, brave, and oh-so-cute!” ani Mommy Pat sa kanyang post.

Hindi rin nagpahuli si Kuya Isla Patriel na nakabihis bilang Tamatoa, ang giant crab sa nasabing pelikula na kilala sa kanyang pagkahilig sa makinang na bagay.  

Sa mga larawan, makikita ang pagiging kuya ni Isla habang nakikibahagi sa espesyal na milestone ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa kabila ng kanilang ginampanang magkaibang karakter, parehong naghatid ng saya at kilig sina Baby Ulap at Kuya Isla hindi lamang sa kanilang proud parents, kung hindi sa madla.

Netizens’ Comments

Samantala, bumuhos din ang mga papuri at pagbati mula sa mga netizens na nagpahayag ng kanilang paghanga sa milestone ni Baby Ulap.

Van Nunag-Canlas: “Sooooo pogi naman!”

JulieAnn Aquino Delos Reyes: “Ang pogi pogi ng anak mo, Pat. Ganun din si Isla.”

Rosalie Legada Frias: “Ang cute talaga ng baby boy na ‘yan!”

Nicole Pulos: “Happy 6th month, baby boy!”

Jessica Dela Cruz Delapena: “[Ang] bilis, 6 month na ang Ulap. Napaka cute n’yong mag Kuya.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.