Sa kaniyang pinakabagong vlog, muling ibinahagi ni Abigail Campañano-Hermosada kasama ang kanyang asawa na si Kevin Hermosada ang kanilang masayang experience sa Thailand, tampok ang pagtuklas sa local cuisine at street food.
Kamakailan lang ay lumipad pa-Bangkok, Thailand ang mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada upang ipagdiwang ang kaarawan ni Abi.
Mula sa peanut lamb soup, noodles, dumplings, at duck dishes, hanggang sa iba’t ibang shrimp at seafood specialties, ipinakita ng mag-asawa ang ilan sa mga hindi dapat palampasin ng mga bibisita sa nasabing bansa.
Hindi lamang ang lasa ang kanilang na-explore, kundi pati ang magaan at masayang interaksyon nila sa isa’t isa habang naglalaro sa kanilang culinary adventure.
Isa na ang Food World ng CentralwOrld sa kanilang binisita, na ayon kay Abi ay isa sa mga binibista ng mga turista upang kumain ng Thai cuisine sa murang halaga.
Isa sa mga highlight ng kanilang vlog ay ang pagtuklas sa mga detalye ng kanilang mga natikmang putahe, kabilang na ang paggamit ng lime, oyster sauce, at mga herbs, kasabay ng ASMR-style na reaksyon ni Abigail sa bawat subo.
Tampok din ang mga candid moments kung saan nagkukwentuhan ang mag-asawa tungkol sa kanilang opinyon sa lasa at tekstura ng mga pagkain.
Marami sa mga nakapanood ang talaga namang natakamn sa virtual food trip na handog nina Kevin at Abi sa kanilang nagdaang BKK trip.
@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo Team AbiKevs!”
@iammarccolomayt82094: “Nakakatakam!!!”
@shenesmeria: “God bless you and your family po!”
Watch the full vlog below:
Kilala sa kanyang mga humorous vlogs, ngayon ay mas seryosong usapan naman ang hatid ng…
Bago tuluyang matapos ang kanilang all-girls Vietnam trip, hindi pinalampas ni Clouie Dims na masubukan…
Muling pinaglutuan ng resident cook ng Congpound na si Dudut Lang ang kanyang kapwa Team…
Muling nakuha ng Team Payaman siblings na sina Baby Tokyo at Kuya Kidlat ang…
Ibinida ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez sa bagong vlog ang mga tagpo…
Matapos ang ilang buwang pagsasanay, ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang kauna-unahang swimming meet ng kanilang…
This website uses cookies.