Bago tuluyang matapos ang kanilang all-girls Vietnam trip, hindi pinalampas ni Clouie Dims na masubukan ang ilang mga pagkain sa 7-Eleven na matatagpuan lamang sa Vietnam.
Alamin ang mga 7-Eleven Vietnam favorites ng Team Payaman members na sina Clouie at Tita Krissy Achino.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ni Clouie Dims ang isang nakakatakam na mukbang ng ilang kilalang pagkain na matatagpuan sa 7-Eleven Vietnam.
Bukod kay Clouie, kasama rin n’ya ang kapwa Team Payaman member na si Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino.
Pagpasok sa 7-Eleven sa nasabing bansa, bumungad kina Clouie ang mga ready-to-eat sandwiches, pasta, pati na rin ang mga Vietnam-exclusive drinks.
Excited na umuwi sina Clouie at Tita Krissy dala ang kanilang mga napamili sa 7-Eleven na kanilang ibinahagi sa pamamagitan ng isang mukbang vlog.
Agad na sumalang sa pagkain ang dalawa at kanilang inuna ang mga snacks kagaya ng Pinattsu, Marty’s Crackling, at Castella, na kanilang binigyan ng 10/10 rating.
“Ang sarap n’yan [Castella], 10 agad ‘yan sa akin,” komento ni Clouie.
Bukod sa snacks, sumubok din sila Clouie ng prutas, Vietnam-exclusive drinks gaya ng C2 Passion Fruit flavor at ilang mga milk tea flavors.
Bukod kina Chino at Clouie, marami rin sa mga manonood ang natakam sa mukbang na hatid ng dalawa.
@camilledevilla4014: “Always abangers sa mga food vlogs review mo hahaha!”
@bretheartgregorio1886: “Power sayo Ms Clouie!”
@MarkEraga-m7m: “Pinattsu sea weed flavor, [so] yummy!”
Watch the full vlog below:
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
This website uses cookies.