Matapos ang ilang buwang pagsasanay, ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang kauna-unahang swimming meet ng kanilang panganay na si Mavi.
Bagamat baguhan sa kompetisyon, ipinakita ni Kuya Mavi ang determinasyon at sigla sa pagharap sa mga bagong hamon sa kanyang swimming journey.
Kamakailan, dumalo ang panganay na anak ni Vien Iligan-Velasquez na si Von Maverick Velasquez, a.k.a. Mavi, sa 6th TYR Little Warriors League na ginanap noong August 30, 2025, sa Muntinlupa Aquatic Center, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.
Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Mommy Vien ang labis na kasiyahan at pagmamalaki matapos sumabak si Kuya Mavi sa isang bagong karanasan sa larangan ng swimming.
Ayon sa kanya, ang karanasang ito ay hindi lamang tungkol sa resulta ng kompetisyon kundi higit sa lahat sa pagsusumikap at kasiyahan ng kanyang anak.
“Lagi namin sinasabi na gawin mo lang ang best mo at mag-enjoy ka. May medal or wala, Sobrang proud kami sa kanya for trying and for enjoying the experience,” ani Mommy Vien sa kanyang post.
Bukod dito, binigyang-diin ni Mommy Vien na simula pa lamang ito ng swimming journey ni Kuya Mavi at palagi siyang magiging tagahanga ng anak sa bawat hakbang nito.
“This is just the start of his journey, and I’ll always be cheering him on,” dagdag niya.
Kasabay nito, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa coach ng Athena Academy Swim School para sa gabay at suporta na ibinigay sa buong proseso ng paghahanda at pagsabak ng kanyang anak sa kanyang kauna-unahang kompetisyon.
Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng pagbati at paghanga sa tagumpay na natamo ni Kuya Mavi sa pagsabak niya sa kompetisyon.
Aly Belo Noche: “We’ve witnessed Mavi’s growth. From him saying “meeee” as Wilson’s sound to a kid in [a] swimming meet. We’re proud of you, Mavs.”
Rïë Mä: “Congrats, Mavi! Conquer the waves and swim fearlessly. Congrats to the proud parents! Godbless.”
Pfiser Philippe Castill: “Seeing you from your “meeeee” till now, Kuya Mavs, makes me proud as your online Kuya! Congratulations, Mavi!”
Apëng Oracion-Ybañez: “Si itlog noon, basang sisiw na ngayon. Este swimmer pala, Vien Iligan-Velasquez. Congrats, kiddo!”
Regine Cuabo: “Big boy na talaga si Mavi. Congratulations!”
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…
Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…
This website uses cookies.