Muling nakuha ng Team Payaman siblings na sina Baby Tokyo at Kuya Kidlat ang atensyon ng netizens sa kanilang bagong Disney-themed photoshoot.
Sa isang Facebook post, ibinida ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang mga litrato na nagtatampok sa ‘big-bro-and-li’l-sis’ duo sa nakakaaliw na photoshoot bilang paggunita sa ika-limang buwan ni Baby Tokyo Athena.
Hango sa temang “Aladdin”, binigyang-buhay ng magkapatid ang iconic characters mula sa animated Disney classic.
Mula sa Disney costumes ng Posh and Pearls, na-achieve ni Baby Tokyo ang little Princess Jasmine look sa kanyang blue dress, habang ang kanyang Kuya Kidlat ay nakasuot ng tiger onesie na nagmistulang si Rajah— ang alagang tigre ni Princess Jasmine sa pelikula.
Samantala, sa tulong naman ng The Baby Village Studio, ang makulay na photoshoot background at mga props ay nagdagdag sa magic ng Arabian night, na lalong nagpa-engganyo sa mga fans.
Isa ring magical Aladdin cake mula sa Doughable ang mas nagpa-espesyal sa selebrasyon.
Kinagawian na ng pamilya ang monthly photoshoot na nagiging daan upang i-dokumento ang monthly milestone ng kanilang unica hija. Hindi naman mawawala ang best sidekick na si Kuya Kidlat na kaniyang cutey-photoshoot buddy.
Paliwanag ni Mommy Viy, “Lagi pong bff ng Princess si Kidlat. Dahil gusto ko pag lumaki sila, mag bff sila,” ang monthly-tradition ay patuloy namang nagbibigay good-vibes sa netizens.
Inulan naman ng mga nakakaaliw na komento at pagbati mula sa netizens ang Facebook post ni Mommy Viy.
“Sa bawat cute na prinsesita, may kuya talagang kwela!”
“Ito talaga ang hinihintay ko tuwing photoshoot ni Tokyo! Cute Kidlat!”
“Happy five months baby, cute nyong dalawa!”
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.