Yow Andrada Gets Real on His Life at Congpound and the Rumors About Him

Sa gitna ng mga espekulasyon at tanong kung bakit tila bihira na siyang makita online, muling nagbahagi ng kwento si Yow Andrada sa kanyang pinakabagong vlog. 

Tunghayan ang kanyang pagsugpo sa mga haka-haka pagdating sa kanyang karera bilang isang vlogger. Simple at direkta ang mensahe niya: “Andito lang ako.”

A Simple Routine

Sa kanyang bagong vlog, Ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada na mas madalas na siyang nananatili sa Compound, kung saan abala siya sa mga simpleng gawain.

Ilan sa mga pinagkaka-abalahan n’ya ngayon ay ang paglalaro ng basketball, paglalaro ng Marvel Rivals, pag-inom ng kape, at minsang pagtulala sa kalangitan.

“Routine na yung ginagawa ko, pero hindi naman ako nagsasawa. Nauubos lang talaga oras ko sa kaka-basketball, kakalaro, kakatingin sa langit,” aniya.

Para kay Yow, hindi kailangang maging magarbo ang bawat araw. “Minsan, gusto mo lang maramdaman na buhay ka,” dagdag niya habang ikinukwento ang kanyang mga tahimik na sandali.

Assumptions vs. Reality

Isa sa mga puntong binigyang-diin ni Yow ay ang tungkol sa mga maling akala ng ilan na siya ay nawala, nagbago, o may pinagdadaanan. Ipinaliwanag niya ang pinagmulan ng salitang assume, na mula sa Latin na assumo na nangangahulugang “accept” o “take.”

“Kapag nag-a-assume ka, para mo na ring tinatanggap ang isang ideya kahit wala kang concrete na proof. Delikado rin kasi parang nagiging accusing,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, hindi dahil hindi siya aktibo online ay nagbago na siya. “Life just happens. Minsan, tahimik lang talaga ako. Hindi ibig sabihin na wala ako.”

Sa pagtatapos ng vlog, nilinaw ni Yow na patuloy lang siyang nagbabago. “Hindi ako nawala, hindi ako nagbago. Nage-evolve lang—nagpapahinga, gumagawa ng art, nakikinig sa ulan, bumibili ng kape,” ani Yow.

Kasabay nito, nagpasalamat siya sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta, kahit hindi siya palaging abala sa social media. 

Para kay Yow, sapat na ang simpleng reyalisasyon: hindi lahat ng hindi nakikita ay naglaho.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 hours ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 hours ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

12 hours ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

15 hours ago

TP Kids Introduces the Philippine Names Book Collection for Young Learners

Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…

1 day ago

This website uses cookies.